Gab inisa-isa ang mga katangiang nagustuhan sa GF; Kelvin, Kate magpapakilig sa drama-sci-fi series na ‘Unica Hija’

Gab inisa-isa ang mga nagustuhang katangian ng GF; Kelvin, Kate magpapakilig sa drama-sci-fi series na 'Unica Hija'

Kelvin Miranda, Kate Valdez, Gab Valenciano at Thessa Cadiz

INISA-ISA ng dancer-director na si Gab Valenciano ang mga katangiang gustung-gusto niya sa kanyang girlfriend na si Thessa Cadiz.

Sa kanyang social media account, ibinahagi ng anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan ang birthday message para sa girlfriend na isang model at host.

Sa Instagram, binati ni Gab si Thessa last Monday ng “happy birthday” kung saan nabanggit nga niya ang mga natatanging qualities nito na minahal at tinanggap niya nang buong-buo.

“I just want to let you know that you are extremely beautiful, through and through, inside and out,” simulang pahayag ng binata.


Dugtong pa niya, “Your soul, your heart, your mind.. the way you unconditionally care and love your friends, your family and those who you hold close to your heart is truly inspiring.

“I am proud of all that you do to help those in need and constantly find ways to better the lives of others.

“Your presence alone motivates me to be the best I can be in every aspect of my life,” aniya pa.

Sa huling bahagi ng kanyang IG post, inilarawan pa ni Gab si Thessa na “kindest person” na nakilala niya.

“You are a blessing not just to me, but to all those around you as well. Praying for many birthdays together to come,” mensahe pa ni Gab sa kanyang girlfriend.

* * *

Excited na ang fans sa unang pagtatambal nina Kelvin Miranda at Kate Valdez sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Unica Hija.”

Curious na rin ang ilang Kapuso viewers dahil not just one, but two ang gagampanang role ni Kate sa serye. Ang tanong nila ngayon, sino ang makakatuluyan ni Kelvin?

Sabi pa ng ilang Facebook users, nakakakilig ang presence nina Kate at Kelvin on acreen, “Bagay sila. Parehas maganda ang mga mata, very expressive.”

Dahil isang drama-sci-fi series ang “Unica Hija,” hindi lamang iikot ang istorya sa pagdaraanan ng pamilya. Tiyak na marami pang twist ang dapat na abangan ng Kapuso viewers.

Makakasama rin nina Kelvin at Kate sa serye sina Katrina Halili, Mark Herras, Faith Da Silva, Athena Madrid, Boboy Garovillo, Maricar De Mesa, Bernard Palanca, Maybelyn Dela Cruz, Biboy Ramirez, Jennie Gabriel, Jemwell Ventenilla, at Alfred Vargas sa isang natatanging pagganap.

Mapapanood ang “Unica Hija” soon sa GMA Afternoon Prime.

https://bandera.inquirer.net/296862/gab-valenciano-diagnosed-bilang-pre-diabetic-nais-maging-better-para-sa-sarili

https://bandera.inquirer.net/299562/kate-inatake-ng-nerbiyos-habang-kaeksena-si-khalil-bilang-magdyowa-sa-love-on-air

https://bandera.inquirer.net/313552/gab-valenciano-sa-mga-pinoy-hanggat-may-nangangailangan-tuloy-ang-laban-hanggang-dulo

https://bandera.inquirer.net/318006/2-aktres-sa-emily-in-paris-na-meet-ni-heart-nang-personal-kate-valdez-kelvin-miranda-magtatambal-sa-unica-hija

 

Read more...