‘Yan ang caption ng Youtuber na si Basel Manadil sa kanyang latest vlog matapos siyang nakawan ng kanyang empleyado sa kanyang negosyo.
Bukod sa pagiging vlogger at restaurant owner, si Basel ay mas kilala bilang si “The Hungry Syrian Wanderer’ sa Youtube na tumutulong sa mga mahihirap na Pilipino.
At ito na nga mga ka-bandera, sobrang nadidismaya ang vlogger dahil ang itinuturing niyang pamilya ay pinagnakawan siya at sinira ang kanyang tiwala.
Sey pa niya sa latest video, “So, what I always tell my crew, if you need help, just tell me and I will help you.”
Tuloy pa niya, “I treat all my employees like family.
“We always take care of them, respect them.
“We try to understand them as much as possible but something like that will destroy everything because trust for me is everything.
“I mean, this is how I grew up.”
Hindi nilantad ni Basel ang katauhan ng magnanakaw niyang empleyado, pero nabanggit niya na hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari sa kanyang negosyo.
kwento niya, “Also mga tao, there are some employees who did the same thing and we let them go.
“Some of them did very bad things and we just, you know, just got rid of them, just removed them from work.
“Others have done the same thing, they are still working, we forgive them.
“This is just something to share because everybody has to learn their lessons and they have to do the right thing,” panawagan pa niya sa mga manonood.
Sa latest video na uploaded noong Oct. 9, mapapanood na malumanay na kinakausap ni Basel ang kanyang crew habang pina-aamin sa ginawa nito.
Ayon sa vlogger, mahigit sampung beses ito nagnakaw ng manok na basena rin sa mga nakasaksing mga katrabaho at kuha sa CCTV.
Binigyan pa nga siya ng youtuber ng choice na umamin na at baka sakaling mapatawad pa niya ito.
Kaagad naman itong umamin sa ginagawang modus at sinabing tinatago niya ang manok sa kanyang apron at dadalhin sa tangke ng flush sa toilet, then babalikan niya raw ito pag “closing” time na ng shop para ilagay naman sa kanyang bag pauwi.
Humingi rin ito ng tawad kay Basel at nangakong hindi na raw ito gagawin ulit.
Sabi niya, “Magbabago na po ako Sir, hindi ko na po uulitin, promise.”
“I’m so sorry po Sir sa nagawa ko po sa’yo.
“Promise ko po na magbabago po ako Sir. Give me a chance Sir, last chance Sir.”
Sa pagtatapos ng video, pinatawad ni Basel ang kanyang empleyado at pinabalik na sa kanyang trabaho.
Read more:
Paglaya ni Vhong Navarro sa kulungan fake news; vlogger binantaang ire-report ni Ogie Diaz dahil…
#MayNanaloNa: Dyowa na nga ba ni Joshua Garcia ang vlogger na si Bella Racelis?