‘Breakup’ hugot ni Sunshine para nga ba kay Macky: Some people are only meant to stay in your heart not in your life…
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Sunshine Dizon at Macky Mathay
USAP-USAPAN ngayon ng mga netizens ang latest Facebook post ng aktres na si Sunshine Cruz patungkol sa usapin ng “paghihiwalay.”
Walang binanggit na pangalan o detalye si Sunshine sa kanyang social media post pero halos lahat ng nagkomento ay iisa ang sinabi, mukhang hiwalay na nga sila ni Macky Mathay.
Hindi pa rin nagbibigay ng official statement si Macky hanggang ngayon kung ano na ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nila ni Sunshine kaya nananatili pa ring palaisipan sa lahat kung totoong break na sila.
Ngayong araw, October 9, nagbahagi si Sunshine ng isang quote sa kanyang FB page. Aniya, “Some people are only meant to stay in your heart not in your life.”
Sabi naman ng aktres sa caption, “People come and go, it may be hard to understand why things happen unexpectedly.
“For some of us, letting go of someone you loved with all your heart can definitely give us so much pain and sadness but in life, there are some things we cannot control,” pagbabahagi ni Sunshine.
Dagdag pa ng ex-wife ni Cesar Montano, “What matters is the lesson we learned, the love that was shared and the wonderful memories that will always be in our hearts. Life goes on. A blessed Sunday to all.”
Nagsimulang maghinala ang madlang pipol tungkol sa breakup nina Macky at Sunshine nang mag-unfollow ng aktres Instagram account ng boyfriend.
Nauna rito, may hugot post din si Sunshine sa kanyang Facebook account hinggil sa mga realizations niya habang nasa lock-in taping ng isang teleserye.
“I experienced so much realizations and challenges while I was locked in for 35 days. It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best.
“Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.
“So much blessings are being given to me and my family after all. Wala akong karapatang mag reklamo. (praying hands at heart emojis),” ang mahabang pahayag ni Sunshine.
Matatandaang nag-post pa ang aktres ng litrato sa socmed kasama si Macky noong Agosto 27 na kuha sa 18th birthday party ng anak niyang si Sam kung saan present din si Cesar.
Ngunit noong 21st birthday ng anak ni Shine na si Angelina Isabel ay mapapansing wala si Macky sa mga litratong ipinost ng aktres. Ang naroon lang ay si Cesar kasama ang partner nitong si Socorro Angeles at ang tatlo nilang anak.
May post din si Sunshine sa FB na isang video kung saan kinanta niya ang “Someone That I Used To Love” na mabilis nag-viral sa socmed. Ang feeling ng netizens, may konek ito sa umano’y paghihiwalay nila ni Macky Mathay.
Bukas ang BANDERA sa magiging opisyal na pahayag nina Sunshine at Macky tungkol sa isyung ito.