Iya Villania gusto pang dagdagan ang 4 na anak; hindi na kumuha ng yaya dahil…
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Drew Arellano, Iya Villania kasama ang 4 na anak
HASHTAG #BabyPaMore! Mukhang plano pang dagdagan ng Kapuso couple na sina Iya Villania at Drew Arellano ang apat nilang anak.
Kung may alinlangan noon si Iya na magkaroon ng maraming anak, bigla itong nagbago ngayong lumalaki na sina Primo, 6, Leon, 4, Alana, 2, at pati na ang bunso nilang si Astro na four months old na ngayon.
Kuwento ng Kapuso TV host-actress, ang saya-saya raw sa kanilang bahay kapag kumpleto silang pamilya dahil sa kakulitan at mga paandar ng apat nilang anak ni Drew.
Nakachikahan uli namin si Iya kasama ang iba pang members bg entertainment media sa ginanap na virtual mediacon ng GMA 7 para sa season 4 ng “Eat Well, Live Well, Stay Well.”
Ito ang 10-minute cooking show ng misis ni Drew kasama ang celebrity chef na si Jose Sarasola. Mapapanood ito simula sa October 14, 11:05 a.m. kung saan nagse-share sila ng madadali at affordable recipes for the whole family.
Sa nasabing mediacon, ipinagmalaki ni Iya na sa murang edad ay maaasahan na sa mga gawaing bahay ang dalawa niyang mga anak.
“Si Primo at si Leon, madali na lang. As we would add to the family, some people also add helpers. Ang nangyari, what I love about our set-up now is hindi kami nagdagdag ng helpers.
“Ang nangyari, nadagdagan ang dalawang bata ng responsibilities dahil wala nang masyadong nakatutok sa kanila. They’ve learned to do things on their own in the span of time that Astro arrived,” chika ni Iya.
Dagdag pa ng TV host patungkol sa mga bagets, “They had to learn how to dress up on their own, to brush their teeth. At saka hindi ko na kailangang kulitin.
“Hindi yung parang dati na habulan dito, itu-toothbrush ko sila kasi ayaw nila. Dati, habulan kapag maliligo.
“Ngayon gets na nila, and they have become so much easier to handle kaya yun ang gusto ko sa nangyari.
“Nadagdagan kami ng, you’d think, ng hirap pero actually, nadagdagan din kasi ng responsibility. Mas naging independent din yung dalawang kuya,” kuwento pa ng celebrity mom.
Samantala, matatandaang sinabi ni Iya sa kanyang Instagram post last September 28, 2022 ang mga katagang, “My heart just can’t take it!!! What precious gifts they are to Drew and I and to each other but Lord, please don’t make me want more children!”
Ngunit ngayon ay tila nais pa niyang madagdagan ang apat na anak nila ni Drew, “Nandito na nga ako ulit sa stage na ang cute nila masyado, dagdagan pa natin? Ha-hahaha!”
“Ang saya lang dito sa bahay especially now that…si Drew kasi nawala siya ng isang buwan, so now that he’s back, feel na feel mo yung how they missed Drew.
“And si Drew naman, sobra siyang naaaliw, in the one month that he was away, how much Astro has grown. Ang saya lang.
“I know that some people think apat na ang anak, ‘Paano? Posible ba iyon? Hindi ba medyo riot iyon?’ But you know what, honestly, it was really hectic in the first two to three years of a child.
“Si Primo at si Leon ngayon, sobra na silang dali na i-handle. I don’t even include them when I think about riot dito sa bahay. Kapag nagkaka-riot, puwede ko na silang pagsabihan.
“Si Alana at si Astor, dahil sila yung dalawang maliit ko, sila pa yung dalawang kailangan tutukan. Siyempre, hindi pa sila nakakaintindi so sila yung mas matrabaho” chika pa ni Iya.
Mapapanood na ang “Eat Well, Live Well” simula sa October 14 (every Friday), 11:05 a.m., produced by Ajinomoto with GMA 7.
“Thanks to GMA and our very good hosts for collaborating with us for three successful seasons and we’re happy that we’re now on our fourth season,” ang pahayag ng Aji executive na si Deborah Fajarda.