Saab Magalona sa mga negatibong komento sa anak na may cerebral palsy: I thought we were prepared for this

Saab Magalona sa mga negatibong komento sa anak na may cerebral palsy: I though we were prepared for this
NAGLABAS ng saloobin ang social media influencer at singer na si Saab Magalona sa mga komentong natatanggap nila ukol sa kanilang panganay na si Pancho na may cerebral palsy.

Bagamat masaya sila na nae-experience ng kanilang anak ang ganda ng mundo lalo na’t marami ang nakulong sa kanilang mga tahanan dahil sa COVID-19 ay sa kasamaang palad, hindi pa rin maiiwasan na may magsabi ng hindi magagandang salita ukol sa kanilang anak.

“The world is opening up again. As much as we’re enjoying finally giving our children more opportunities to experience the world, unfortunately, we have also been subjected to some not-so-pleasant comments,” saad ni Saab.

Ito ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram post kahapon, Oktubre 7.

Pagpapatuloy ni Saab, “Believe it or not, in just the past few weeks, we’ve been told ‘sayang naman’, ‘gwapo pa naman’ or ‘awang awa kami sa anak niyo’.”

Aniya, akala nilang mag-asawa noon ay handa na sila sa mga ganitong klaseng komento ngunit mukhang hindi pa.

“We thought we were prepared for this. That we would take it as a chance to educate people to choose a better way of saying things. But in reality, it’s way too shocking to actually respond in the moment so we just clam up,” lahad pa ni Saab.

Pagbabahagi niya, ang anak ang kanilang source of happiness at ang nagsisilbi nilang pride and joy.

“He may be dependent on us but we are also dependent on him. He makes life easier. Pure joy is no longer sought, instead it’s something we experience on a daily basis,” proud na sey ni Saab.

Lahad niya, bagamat challenging ang pagiging magulang sa mga batang may special needs, at isa rin itong pibilehiyo.

Saad ni Saab, “Being parents of a special needs child can be challenging, but it’s also a privilege and honor with rewards beyond our wildest dreams.

“We’d like to remind everyone that families with special needs members do not need your pity.”

Hinikayat rin ni Saab ang mga netizens na magbigay suporta at “kind words” kung sakaling may makasalubong o maka-encounter silang pamilya na may miyembrong may special needs.

“Love to all Cerebral Palsy warriors and their armies. Fight lang tayo,” pahabol pa niya.

Related Chika:
Saab Magalona umalma sa nagsabing hindi raw proud sa kanya si Francis M kung buhay pa ito: Mas kilala ko tatay ko sa ‘yo

Saab sinupalpal ang netizen na nangnega sa kanila ni Maxene: Kaka-computer mo yan!

Saab Magalona nag-celebrate ng 4th birthday ni Pancho, inalala rin ang pumanaw na anak

Saab Magalona labis na nalungkot sa pagpanaw ng doktor na nagsilang sa kanya at kay Pancho

Read more...