Luke Conde todo ingat sa pangalan: I don’t talk to strangers sa social media | Bandera

Luke Conde todo ingat sa pangalan: I don’t talk to strangers sa social media

Reggee Bonoan |October 07,2022
facebook
share this

Luke Conde todo ingat sa pangalan: I don’t talk to strangers sa social media

Reggee Bonoan - October 07, 2022 - 08:26 PM

Luke Conde todo ingat sa pangalan: I don’t talk to strangers sa social media
SINIGURO ni Luke Conde na hindi niya sisirain ang pangalang iniingatan niya kaya hindi siya masyado nakikipag-usap sa mga hindi niya kilala through social media. Kaya sure siya na wala siyang video scandal tulad ng ibang nasangkot dito.

Nakapanayam namin ang dating miyembro ng Hashtags sa contract signing niya bilang 2023 Hanford endorser na ngayon ay nasa GMA Sparkle Artists Center na siya na kailangan niyang maghanap ng pagkakakitaan dahil breadwinner siya at nataon naman na maganda ang offer ng GMA Sparkle Artists.

“Nagpapasalamat po ako na ako ang napili dahil it’s one of my wildest dream na maging endorser ng underwear dahil pagtanda ko puwede koi tong ipagmalaki sa mga apo ko na for once ay maganda ang katawan ko,” bungad ni Luke.

Natanong si Luke kung maingat ba siya dahil uso ngayon ang sex scandal.

“Yung term po kasing maingat kung may itinatago ka or anything pero kung alam mo sa sarili mo na wala ka namang dapat itago or anything, siguro kung ano ‘yung prinesent mo sa sarili mo or prinesent mo sa audience mo you can continue that, eh,”paliwanag ni Luke.

Kahit daw mga scandal photos ay sigurado ang aktor na wala silang involvement dito, “I think kung 100% kang sure na hindi ikaw confident po ako. Maingat po ako and I don’t talk to strangers sa social media, unless nagi-inquire sila ng raket (trabaho) kinakausap kop o pero kung personal na hindi ko nap o sinasagot. Umiiwas nap o. Sinasabi ko lang po na hanggang friends lang (kapag may indecent proposal).”

At dahil tinanggap ni Luke na maging endorser tulad nina Carlos Agassi na sinundan nina Cesar Montano, Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Tom Rodriguez, James and Phil Younghusband, Chris Tiu, Dennis Trillo, Mikael Daez at ang pinalitan niyang si Vin Abrenica ngayong taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luke Conde (@lukeconde07)

Handa na ba si Luke na pagpantasyahan ng lahat lalo’t magkakaroon siya ng billboards sa major highways.

“I think kasama naman po ‘yun, wala naman pong problema sa akin ang you can always Luke (look) lang he he he,” natawang sagot ng binata.

Samantala, muling nagpasalamat si Luke sa mga executive ng nasabing produkto sa pangunguna nina Mr. Victor Te (President), Ms. Sincerely Te (Vice-President), Ms. Sheena Anne Te (Executive Vice-President) at Ms. Theresa Benedicto (National Sales and Marketing Manager).

Sa tanong kung bakit si Luke ang kanilang napusuang kunin, inamin nila na nasa binata ang body, looks, at personality na kanilang hinahanap.

Related Chika:
Ex-Hashtag member Luke Conde binanatan ng netizens: Bagay ka talaga sa pornserye!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#TrueBa: Andrew E bagong endorser ng isang online shopping app?

Kaladkaren pwede nang ituloy ang naunsyaming pagpapakasal sa kanyang British fiancé sa UK

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending