PINANGUNAHAN ng mga hari ng franchise na sina Jonathan So at Carlito Macadangdang ang “Mega Opening” ng House of Franchise noong Setyembre 24.
Ang House of Franchise ay dalawang palapag na gusali na itinayo upang magsilbing one-stop shop para sa mga brands tulad ng toktok, Siomai King, Mang Boks, Potato King, Sgt. Sisig, Burger Factory, Noodle House, at Boy Bondat.
Kita sa Gitna ng Pandemya
Ang bagong tayong opisina na ito sa kahabaan ng Shaw Boulevard, Pasig City, ay isang patunay ng kagalingan sa negosyo ng dalawa.
Kakaunting mga negosyo lamang ang nakaligtas sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas. Ito naman ang nagbigay-daan kina So at Macadangdang na palakihin ang kanilang mga brands tulad ng Siomai King, toktok at iba pang franchising juggernauts-Mang Boks, Potato King, Sgt. Sisig, Burger Factory, Noodle House, at Boy Bondat.
Ang hamon ng pagtatrabaho at pagbebenta ng mga produkto ay naging pagkakataong pangkabuhayan para sa mga Pilipinong naka-lockdown sa pamamagitan ng sistema at inobasyong ginawa nina So at Macadangdang.
“The foundation of this building, the House of Franchise, came from the perseverance of our franchisees and customers, especially during the pandemic,” ani President and CEO Jonathan So.
“Ingenuity plus technology, that hybrid business system, is the thrust of our brand, the House of Franchise,” dagdag ni So..
“We were practicing physical distancing, but those who are abroad, OFWs, housewives, students, those who lost their jobs, everyone found a way to earn a living through our franchising brands,” ani Vice President and CFO Carl Macadangdang. “Your business opportunity is just a click away; it is online. You can get your own business, order your products, and deliver to your customers with just one app, one system, under the House of Franchise.”
Sa pagpapatupad ng open health protocol sa Metro Manila, ang pagtatayo ng House of Franchise ay ang magandang paraan upang maipakita ang tagumpay ng mga brands sa ilalim ng HOF.
Ang showroom sa 35 Shaw Boulevard, Brgy. San Antonio ay isang one-stop shop para sa mga naghahanap ng abot-kaya at kilalang business franchise.
Pagpasok pa lamang sa gusali ay malalaman na ng mga customer at franchisee kung anong negosyo ang maiaalok ng House of Franchise.
Nandito na ang lahat, mula sa toktok franchise showroom hanggang sa food court-style na food cart set-up ng Noodle House pati na ang logistics company franchise na toktok.
Maaaring pumili ang mga interesado mula sa iba’t ibang tier ng franchising na pipiliin. Maaari kang pumili sa pagitan ng pagmamay-ari ng isang online na prangkisa o isang pisikal na tindahan o stall kung saan maaari kang umarkila ng isang team upang tulungan kang ibenta ang iyong mga produkto.
Kalidad at Pagkilala
Sigurado sulit ang pag-i-invest mo sa kalidad ng produkto at serbisyo ng mga brands a ilalim ng HOF.
Kamakailan lang ay kinilala ang toktok bilang “best and fastest courier franchise delivery service business of 2021” ng Golden Globe Awards for Business Excellence. Habang ang Siomai King naman ay multi-awarded 2020–2021 back-to-back Franchise Company of the Year.
Hindi lamang nakakakuha ng mga papuri dito at sa ibang bansa ang mga brands sa ilalim ng HOF, ngunit ang mga brands na ito ay talagang tinatangkilik ng mga customer. Halimbawa, ang Siomai King ay mayroong 1,000 branches sa Pilipinas, at kinikilala bilang Hari ng Siomai. Samantala, ang toktok app ay mayroon nang dalawang milyong downloads!
Progressive Commission Structure para sa Champion-Entrepreneurs
Ang mga bagong opisina ng House of Franchise, na pinalamutian ng mga Instagramable na decor na nagpapakita ng kasaysayan ng kumpanya sa kanilang mga dingding, kung saan ipinapakita ang pagsisimula at mga milestones ng kumpanya.
Ang House of Franchise ay mayroon ding scheduled franchise orientations, na sa una ay isinasagawa ng tatlong beses sa isang linggo, na nagbibigay ng mga insight sa kung paano, bakit, at ang potensyal na kita ng isang magiging franchisee.
“We have seen single mothers and people with disabilities make a lot of money just by joining our family of franchisees. It is all up to you. As I always say, whether rain or shine, show up and work hard,” ani So sa mga potential franchisees.
“Kailangang ilapit yung opportunidad sa mas nakakarami, we built House of Franchise, because this livelihood should not be kept; we pray more people would learn of us, of what we do so that more Filipinos will experience the blessings and earnings. So please, come and visit us,” dagdag ni Macadangdang.
Binibigyang-diin din ni So ang aspeto na nagsasaad na ang isang negosyo ay dapat napapanahon at napapamana.
“Napapanahon at napapamana, diba kasi kahit wala na tayo, may siomai pa rin, may Siomai King pa rin. ‘Yun ang learning namin, sa paggawa ng franchise,” So highlighted.
Produktong bebenta; abot-kaya na pamumuhunan, at ang sistema suportado ang mga franchisee nito ay hindi natitinag. Dagdag pa rito, ang mga programang pangnegosyo ng House of Franchise ay nagbigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipinong nagnanais magkaroon ng sariling negosyo. Kaya ano pang hinihintay mo?
Kung gusto mong matupad ang iyong mga pangarap na magkaroon ng sariling negosyo, bisitahin ang House of Franchise sa 35 Shaw Boulevard, Brgy. San Antonio, Pasig City, at baka mahanap mo na ang perfect business franchise para sa iyo!
Related Stories:
Ivana Alawi pinakabagong miyembro ng Siomai King family
Kumikitang negosyo sa gitna ng MECQ handog ng Siomai King