Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez ibinandera ang talentong pinoy sa Albania, pasok sa final round ng talent competition

Bb. Pilipinas Globe 2022 Chelsea Fernandez

Bb. Pilipinas Globe 2022 Chelsea Fernandez (PHOTO: Instagram/@chelsfernandez_)

PASOK sa final round ng Miss Globe talent competition si Binibining Pilipinas Globe Chelsea Fernandez.

‘Yan ang magandang balita na ibinandera mismo ng ating pambato sa kanyang Instagram post.

Nangyari ang nasabing pre-pageant competition nitong Huwebes, October 6 sa Albania.

Kwento ni Chelsea sa IG, nagpakitang-gilas siya sa pagkanta at inawit ang hit song na “Diamonds” ni Rihanna.

Excited din niyang sinabi na nakatakda siyang sumalang sa final round ng talent competition sa Linggo, Oct. 9.

Sey niya, “It was a fun experience performing with an international crowd and sharing with the globe how talented Filipinos are.

“By the way, I have a piece of good news for you.

“We’re heading to the finals of the talent show!!!

“It’ll happen this October 9. So stay tuned for updates. Continue to follow me on my social media accounts.”

Sa susunod na linggo, October 15 ay magaganap ang inaabangang coronation night ng Miss Globe 2022 competition.

Sa tingin niyo ba mga ka-bandera, ito na kaya ang sign na maiuuwi ng beauty queen ang ikatlong korona ng Miss Globe?

Si Maureen Montagne ng Batangas ang kasalukuyang may hawak ng Miss Globe title, habang taong 2015 naman nang makuha ng Pilipinas ang kauna-unahang Miss Globe crown dahil kay Ann Colis. 

Bukod kay Chelsea, dalawa pang Binibining Pilipinas winners ang kasalukuyang lumalaban sa international pageants.

Nasa Egypt si Binibining Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano para sa Miss Intercontinental pageant.

Habang nasa Indonesia naman si Binibining Pilipinas Grand International Roberta Tamondong para sa Miss Grand International competition.

Read more:

Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez ibabandera ang bansa sa Albania

Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez: ‘Back-to-back is hard, but not impossible’

Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez binansagang ‘tough 12’ ang finalists ng pageant

Read more...