#SarahGisBack: Sarah Geronimo naglabas ng music comeback, may pasabog ring new look

Sarah G comeback look

Sarah G comeback look (PHOTO: Twitter/@JustSarahG)

OPISYAL nang nagbabalik music scene ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo!

Naglabas na kasi siya ng kanyang music comeback at pinamagatan itong “Dati-Dati.”

Ibang level ang pop star dahil naka-collab niya riyan ang international music producers na sina Su Ganade at Dylan Graham na nag-produce din ng mga kanta ng ilang sikat na international artists tulad nina Chris Brown, Big Sean, at marami pang iba.

Sinorpresa din ni Sarah G. ang kanyang fans matapos mag-post ng kanyang bagong look.

Ibinandera niya sa kanyang mga social media ang ilang pasabog na comeback photos na kitang-kita ang kanyang stunning transformation.

Caption pa niya, “Parang kailan lang tayo’y magkasama.”

 Kaagad namang nag-trending ang post ng singer sa Twitter at naging maingay ang “#SarahGisBack.”

 Saad ng isang fan, “I’m speechless. Our Queen is really back.”

 “apakan mo ko sars ako pa mag sosorry,” biro ng isang netizen.

 

 Sey pa ng isa pa, “nakailang balik na ako dito. di pa rin ako makapaniwala sa picture na to.”

 

Read more:

Paglipat ni Sarah Geronimo sa GMA fake news, tuloy pa rin bilang Kapamilya

Sarah Geronimo magbabalik Kapuso na nga ba?

Sarah Geronimo graduate na sa culinary school, Matteo super proud

Read more...