Sarah Geronimo magbabalik Kapuso na nga ba? | Bandera

Sarah Geronimo magbabalik Kapuso na nga ba?

Reggee Bonoan |June 03,2022
facebook
share this

Sarah Geronimo magbabalik Kapuso na nga ba?

Reggee Bonoan - June 03, 2022 - 07:23 PM

Sarah Geronimo magbabalik Kapuso na nga ba?
BALIK GMA-7 na ba si Sarah Geronimo?

Kaya namin ito naitanong ay dahil may nagbulong sa amin na may magaganap na meeting daw si Boss Vic del Rosario sa pamunuan ng Kapuso network.

Ito kaya ang dahilan kaya hindi natuloy si Sarah sa “Idol Philippines” bilang isa sa hurado at ito rin ang dahilan ni Vice Ganda kaya hindi niya tinanggap ang show at inirekomenda nga niya si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar para maka-relate sa masa.

Sitsit pa ng aming source na kasama raw ang asawa ni Sarah na si Matteo Guidicelli sa meeting with the executives.

Sumakto naman na ito rin ang topic nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa “Showbiz Now Na” YouTube channel.

“Ang balita mukhang lulundag na sila ng GMA 7,” bungad ni ‘nay Cristy.

Sinundan naman ni Romel ng, “Ang tagal na ng balitang ‘yan.”

Ayon pa sa beteranang manunulat at vlogger na rin ngayon na ang mag-asawa na raw ang nagpi-pitch ng gusto nilang project at co-production ito ng Viva since si boss Vic ang manager nina Matteo at Sarah.

Hirit naman ni Morly, “hindi naibibigay ng channel 2 ang proyektong para sa kanila.”

“Tama kasi hindi sila maka-alagwa. Alangan namang bantayan nila araw-gabi ang panganganak ng kabayo nila (alaga ng mag-asawa),” sabi pa ni ‘nay Cristy.

Sabi rin ni Romel na hindi naman puwedeng walang trabaho sina Matteo at Sarah dahil may mga pangangailangan din sila.

“At sa matagal na panahong paunti-unting hugot (labas ng pera), aba’y kailangan din ng pamalit,” saad ni nanay Cristy.

Nasambit din ni Romel Chika na ang concert ni Sarah ay sa Pinoy TV ng GMA 7 na ito ipalalabas bilang hudyat na babalik na nga ang singer/actress sa network kung saan siya nagsimula.

Sabi naman ni Morly, “pero mas nagkaroon siya ng pangalan sa channel 2.”

“Kaya ang ganda ng pagbabalik niya (super sikat na),”sambit naman ni Romel Chika.

Kaya abangan kung ano ang ending ng meeting nina Sarah, Matteo with boss Vic sa Kapuso network.

If ever na tuloy na nga ay mami-miss si Sarah bilang isa sa coach ng The Voice kung sakaling may bagong season ito sa Kapamilya network.

Related Chika:
Sarah Geronimo may paalala sa mga botante: God bless the Philippines!

Sarah, Matteo nakabili na ng napakalawak na farm sa Laguna: ‘Gusto nilang bumuo ng mundo na kanilang-kanila lang’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sarah Geronimo graduate na sa culinary school, Matteo super proud

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending