Sharon Cuneta nilait-lait ng mga Koreano, latest vlog nasa South Korean news site

Sharon Cuneta nilait-lait ng mga Koreano, latest vlog nasa South Korean news site
INOKRAY ng mga Korean netizens ang nag-iisang Sharon Cuneta matapos mapanood ang kanyang viral vlog noong nagbakasyon sila sa Seoul noong August.

Umabot na kasi sa isang South Korean news portal na “Insight” ang naturang vlog ng Megastar kung saan hindi siya pinapasok sa Hermes store sa Shinesagae, Myeongdong.

Iniulat sa naturang news portal ang diumano’y pagtataboy kay Sharon sa mamahaling store at umani ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens ng Korea.

Base sa naging Facebook post ni Lester Javier, isang Pinoy vlogger na naka-base sa South Korea, ang naturang viral vlog ay nakarating na rin sa Korean forum.

Base sa mga komento ay puro masasakit na sa salita gaya ng “stupid girl”, “pig”, “stupid monkeyhead”, at marami pang iba ang ibinato kay Sharon.

Lumabas kasi sa naging imbestigasyon ng ilang netizens na may mahigpit talagang protocol ang Hermes at kinakailangan munang magpa-schedule ng appointment bago pumunta sa kanilang physical store.

Nauna na rin namang magsalita si Sharon marapos kumalat agad sa social media ang ilang screen shots mula sa kanyang vlog matapos siyang hindi nakapasok sa loob ng mamahaling store.

“Don’t feel bad about Hermes not letting me in! Lots, if not all name-brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time – sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store. Lots also ask you to make an appointment. Covid measures nila yan so okay lang,” lahad ng Megastar.

Pagpapatuloy pa ni Sharon, ““Sayang lang talaga belt lang naman ang balak ko eh kaya ayoko pumapasok sa ibang stores na di ko plano puntahan ang dami kong nakikita eh!”

Samantala, wala pa namang pahayag o reaksyon ang Megastar sa mga hindi kanais-nais na komento ng mga Koreans sa kanya

Bukas naman ang BANDERA para kay Sharon para sa kanyang statement hinggil sa isyu.

Related Chika:
Sharon Cuneta hindi pinapasok sa Hermes store, namakyaw sa Louis Vuitton: I bought everything!

Vicki Belo nabudol sa biniling Chanel bag na nagkakahalaga ng halos P1-M; na-shock nang i-deliver na sa bahay

Heart Evangelista game na nag-shopping sa sari-sari store

Kim ibinandera ang bag collection: Para akong nagbebenta! Pa-mine na lang po!

Read more...