MAY bagong nilulutong pelikula ang Kapamilya actress, scriptwriter at director na si Bela Padilla.
‘Yan ang ibinunyag niya mismo sa kanyang latest Instagram reels.
Sa kanyang post, ibinandera niya ang isang video na ipinapakita ang kanyang “life lately” matapos umuwi ng Maynila mula London.
Idinetalye rin niya sa caption ang ilan sa mga pinagkaabalahan niya, kabilang na riyan ang pakikipag-bonding kasama ang mga mahal sa buhay, at pagbisita sa kapwa-aktres na si Kim Chiu.
Hindi pa niya nabanggit ang tungkol sa bagong pelikula, pero sinabi niyang kasalukuyan niya pang binubuo ang kanyang team.
Kwento niya, “Arrived in Manila a few weeks ago and spent my days enjoying some quiet moments in @chinitaprincess ‘s house…driving…going to my usual favorite spots…spending time with family and friends…and ultimately, mounting a new film with the best team.”
Noong nakaraang linggo lamang nang mag-post si Bela na nagsasagawa siya ng location hunting sa Clark, Pampanga.
Sey pa niya, “Location hunting for our new film (it’s my first time in the Clark airport and I’m so impressed!)”
Matatandaang noong Abril nang mag-debut bilang direktor si Bela sa pelikulang “366” under Viva Films.
Bukod sa pagdi-direk, siya rin mismo ang sumulat, nag-produce at bumida sa pelikula.
Katambal niya riyan ang actor na si Zanjoe Marudo na tungkol sa pag-move on at pagsisimula ulit ng bagong buhay at pag-ibig.
Read more:
Bela Padilla tumanggi sa offer na magkaroon ng show, bakit kaya?
Bela Padilla ‘jobless’ sa London pero sandamakmak naman ang ‘raket’, may sarili na ring negosyo