#MayAsimPa: Andrea del Rosario game na game pa rin sa love scenes, certified hot mama sa edad na 44

#MayAsimPa: Andrea del Rosario game na game pa rin sa love scenes, hot mama sa edad na 44

Andrea del Rosario, Kych Minemoto, Gold Aceron, Mac Alejandre at Ricky Lee

“MAY asim pa!” Ganyan inilarawan ng ilang members ng entertainment press ang dating member ng Viva Hotbabe na si Andrea del Rosario.

Humarap sa media ang aktres kamakalawa para sa bago niyang pelikula under Viva Films, ang serious relationship drama na “May-December-January”.

Ayon kay Andrea, hindi talaga niya in-expect na mabibigyan uli siya ng movie na siya ang pinakabida, “I mean, let’s face it, I’m 44. My days as a Viva Hot Babe doing lead roles like in ‘Lupe’ are over.

“I’ve accepted that I now do character roles. I did ‘Love You Stranger’ on GMA and now I’m in ‘Dirty Linen’ on ABS-CBN.

“I never thought darating uli sa akin ang ganitong lead role. When Boss Vic del Rosario called me and told me I’d do this film, siyempre, yes agad ako. I mean, the script is written by Ricky Lee, a National Artist no less, saan ka pa, di ba?” ang pahayag ni Andrea.

In fairness naman sa aktres, kahit na nanay na siya napanatili pa rin niya ang kanyang ganda at kaseksihan kaya hindi imposible na mabigyan pa siya ng lead roles after ng “May-December-January”.

Ayon sa direktor ng pelikula na si Mac Alejandre, si Andrea raw talaga ang kanilang first and only choice,  “She perfectly fits the role of Claire as one hot mama na kahit may anak ng grown-up, may appeal and desirable pa rin sa mga bata.

“She’s mother to Gold Aceron and falls in love with his best friend, Kych Minemoto, but she later finds out that Gold, who’s gay, is also in love with Kych.


“The mother is the fulcrum of the film and Andrea, all throughout the shoot, she’s always in character.

“Kahit mahahaba ang eksena, including the love scenes, she never complained. Sa bagay silang tatlo nina Gold and Kych, kahit mahihirap ang scenes, wala kang maririnig sa kanila.

“I am so happy with their performance. Lahat sila may sariling moment where they shine,” lahad ni Direk Mac.

Present din sa presscon ng movie ang National Artist na si Ricky Lee na siyang nagsulat ng kuwento ng movie. At natanong nga siya kung happy siya sa pagkakabuo sa pelikula.

“Yes, I’m very happy with the movie. It captured our vision tungkol sa mga ordinaryong tao, tungkol sa nanay, anak, yung best friend. But extraordinary ang emotions na pinagdaanan nila. We’re so happy with Andrea.

“Kuhang-kuha niya ang lalim ng character. We’re also happy with Gold and Kych. They really surprised us ni Mac. They all deliver in their respective roles,” sabi ni Ricky Lee.

Samantala, bilib na bilin din si Andrea sa galing nina Gold at Kych sa movie, “I feel so lucky na sila ang nakasama ko kasi they’re like old souls, pareho silang dalawa. Magagalang sila, very professional, at parehong magaling.

“They’ll both go a long way in their careers. I’m also lucky to have worked with the tandem of Sir Ricky and Direk Mac.

“Our movie is one of the best I’ve made and I will definitely include this in my portfolio of my works if and when matuloy ako to try having a career abroad,” aniya pa.

Paglalarawan naman ni Direk Mac sa kuwento ng bago niyang obra, “For this movie, it’s clear from the start that it is a very mature story about love and relationships.

“Ang pag-ibig ay pagbibigay, hindi puro pagkabig. Wala rin siyang kinikilalang gender.

“Yung mother dito, nagparaya but she doesn’t call it sacrifice because hindi naman siya talaga sacrifice kundi pagmamahal. When we give because of love, we become fulfilled,” dagdag pa ng award-winning director.

Mapapanood na ang “May-December-January” sa mga sinehan nationwide simula sa October 12. Magkakaroon ito ng premiere night sa SM North sa October 10.

https://bandera.inquirer.net/324323/andrea-del-rosario-feeling-virgin-uli-sa-pakikipag-love-scene-kay-kych-minemoto-sa-may-december-january

https://bandera.inquirer.net/314897/lalaking-nadamay-sa-hiwalayang-moira-at-jason-ako-ang-handler-nila-pakiusap-umiwas-na-tayo-sa-tsismis

https://bandera.inquirer.net/323171/posible-pa-kayang-magkabalikan-sina-moira-dela-torre-at-jason-hernandez

https://bandera.inquirer.net/314447/alex-diaz-game-na-game-sa-love-scenes-its-not-gonna-work-if-youre-not-completely-invested

Read more...