TALAMAK din yata ngayon ang mga nawawalang Facebook page.
Tulad ng nangyari kamakailan sa ilang content creators gaya nina Ivana Alawi at Zeinab Harake na biglang nawala ang FB page na may milyong-milyong followers na walang abiso.
At dahil diyan, hindi na nakatiis at rumesbak na sa social media ang YouTuber na si Toni Fowler.
Sabi niya sa isang tweet, “Kaya ako wala na kong Facebook page eh.
“Pang apat kong Facebook page ganyan din nangyari.
“Ilang taon mo paghihirapan tapos walang notif ng kahit na anong report tapos biglang BOOM wala na.”
Kaya ako wala nakong facebook page eh. Pang apat kong facebook page ganyan din nangyari. Ilang taon mo paghihirapan tapos walang notif ng kahit na anong report tapos biglang BOOM wala na 🙂
— Toni Fowler (@tonifowlerpo) October 3, 2022
Matatandaang noong Hulyo unang nagreklamo si Toni tungkol sa biglang pagkawala ng kanyang FB page na ginagamit niya bilang content creator.
Sey pa niya sa dating tweet, “Grabe naman kaya ayoko humataw ng videos sa fb eh.
“Last last yr nawala 5M fb page ko. Gumawa ako ng bago last yr lang.. 1.5M nadin yon parte ng trabaho ko nawala naman agad,” aniya pa.
Grabe naman kaya ayoko humataw ng videos sa fb eh. Last last yr nawala 5M fb page ko. Gumawa ako ng bago last yr lang.. 1.5M nadin yon parte ng trabaho ko nawala naman agad 😞 ganda ng gising ko ah.
— Toni Fowler (@tonifowlerpo) July 11, 2022
Hanggang ngayon, wala pang pahayag na inilalabas ang Facebook tungkol sa nasabing isyu ng ilang Pinoy content creators.
Read more:
Rob Moya ‘chain message’ lang daw ang pag-amin kay Toni Fowler, nabisto ni Vince Flores
Toni Fowler nakatanggap ng P32-M worth ng life insurance mula sa dyowang vlogger
Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!