Toni Gonzaga kay Mariel Padilla: Thank you for everything!

Toni Gonzaga kay Mariel Padilla: Thank you for everything!
NAGPASALAMAT ang TV host-actress na si Toni Gonzaga sa kanyang kaibigang si Mariel Padilla sa ipinakita nitong suporta para sa bago niyang show sa ALLTV.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang larawan nilang magkaibigan na kuha sa studio ng kanyang bagong talk show.

“Thank you Ma for sharing your story and our friendship journey in our pilot episode, umpisa ni Toni.

“I will always replay this episode in my heart. Thank you for everything,” dagdag pa niya.

Nag-reply naman si Mariel sa post ni Toni at nagpakita ng suporta sa bagong achievement ng kanyang kaibigan.

“Love you!!!!!!! Sooooooooo proud of you. Thank you and congratulations,” sey ng asawa ni Sen. Robin Padilla.

Nitong Lunes, October 3, nang magsimulang umere ang kauna-unahang talk show niya sa bagong home network na pinamagatang “Toni”.

Bukod pa rito, nag-post rin si Mariel sa kanyang Instagram account kung gaano siya ka-proud sa kaibigan at dating kasamahan sa “Pinoy Big Brother”.

“This is it!!!! Another dream now a reality and I am so so so proud to witness it. You have achieved sooo much but you remain to be humble, generous and you do it all in His name,” mensahe ni Mariel kay Toni.

Aniya, pakiramdam niya ay kulang ang salitang “congratulations” para sa bago at major major milestone ng kaibigan.

Pagpapatuloy pa niya, “So excited to watch you on tv everyday at 5pm, doing what you do best telling stories, touching lives and inspiring people.”

Sa isa pang IG post ni Mariel ay ibinahagi niyang super happy siya na maging first guest ni Toni sa bago nitong show.

“So honored to be the very first guest of @tonishowofficial the very first to tape an episode at Toni’s own studio!!!!! Her very OWN!!! congratulations Team TGS. Toni’s heart is in the show,” sey ni Mariel.

Nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa noong magkasama sila sa Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother” noong 2005.

Related Chika:
Toni suportado nina Mariel at Bianca sa gitna ng kanegahan sa politika: Welcome to the outside world!

Toni Gonzaga ‘unbothered’ kahit inaayawan ng netizens: They are the reasons why we are here today

Mariel Padilla nawindang sa school project ng anak: Nu’ng bata ako polvoron ang ginagawa

Toni Gonzaga P500-M ang talent fee sa TV network ng pamilya Villar; may pasabog na interview kay Bongbong Marcos

Read more...