Piolo, Lovi, Paulo na-challenge nang bongga sa Pinoy version ng ‘Flower Of Evil’: Kailangan medyo maiba siya sa Korean…

Piolo, Lovi, Paulo na-challenge nang bongga sa Pinoy version ng 'Flower Of Evil': Kailangan medyo maiba siya sa Korean...

Piolo Pascual, Lovi Poe at Paulo Avelino

NAPAKARAMING challenges ang hinarap ng cast members ng Kapamilya suspense-drama series na “Flower Of Evil”, lalo na sa mga lead stars nitong sina Piolo Pascual at Lovi Poe.

Kahapon, humarap sa ilang members ng entertainment media sina Piolo Pascual, Paulo Avelino, JC de Vera at Lovi Poe (via zoom) para sa “killer finale” ng “Flower of Evil”.

Sa nalalapit na pagtatapos ng Pinoy version ng nasabing hit Korean series, inamin ng limang bida na isa sa mga challenge na hinarap nila ay ang gawing relatable sa Filipino audience ang kuwento at atake nito.

“It’s more like making it your own. I was so glad for the guidance of our director. They led us to making it our own version,” pahayag ni Lovi na talagang nagpaka-action star sa “Flower Of Evil.”

Para naman kay Paulo, may conscious effort ang buong produksyon na hindi magmukhang adaptation ang kanilang programa para mas maka-relate ang viewers, lalo na yung mga nakapanood na ng Korean version.

“​​One of the hardest parts of making this show is how to make it as Filipino as possible so it wouldn’t feel as an adaptation — a Filipino version of ‘Flower of Evil,’” ani Pau.

Sey naman ni Papa P, totoong matindi ang pressure na naramdaman niya habang ginagawa ang serye, lalo pa’t napakaganda ng Korean version at napakagaling ng mga nagsiganap.


“Coming into the show, there was too much pressure because it’s gonna be an adaptation. There’s expectations. There’s gonna be bashing. There’s gonna be judgments from a lot of people.

“But the best thing about this is knowing the story, how it’s gonna start and how it’s gonna end. So we had a reference. We kinda had a manual as to how to do it differently,” paliwanag ni Piolo.

Nagpasalamat naman si Edu sa buong cast ng serye na tinawag pa niyan “gifted”, “Kahit paano, hinahawakan pa rin ‘yung kamay ko, as we were holding each other’s hands para makalabas ng isang magandang produkto.”

In fairness, lumebel naman nang bonggang-bongga ang Pinoy adaptation ng “Flower of Evil” sa Korean version nito lalo na sa ipinakitang akting at performance ng mga artista.

Directed by by Darnel Villaflor and Richard Arellano, “Flower of Evil” also stars Agot Isidro, Denise Laurel, Joross Gamboa, Joem Bascon, Epy Quizon, Rita Avila, Jett Pangan, Pinky Amador, and Joko Diaz.

Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng “Flower of Evil” sa Viu, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at A2Z sa darating na October 8 at 9.

Related Chika

https://bandera.inquirer.net/316808/piolo-ingat-na-ingat-sa-shower-scene-nila-ni-lovi-sa-flower-of-evil-nag-enjoy-ako-bitin-nga-eh

https://bandera.inquirer.net/312367/bakit-kaya-may-reshoot-ang-teleserye-nina-papa-p-at-lovi-na-flower-of-evil

https://bandera.inquirer.net/291814/heart-hindi-magpapatalo-sa-kabit-im-not-gonna-give-you-your-happy-ending

Read more...