Sarah G may bonggang pasabog ‘comeback,’ Popsters abangers na

THE wait is over para sa Popsters!

Magbabalik music scene na kasi ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Excited na ibinandera ng singer sensation sa social media ang pasilip para sa kanyang music comeback ngayong buwan.

Nag-post siya ng poster kalakip ang caption na, “Kailan makasama muli? #SarahGisBack

Ano kaya ang pasabog niya para sa mga nag-aantay na fans? 

Sabi ng isang netizen, “Matagal kaming naghihintay Sars. Gustong gusto kana namin makasama mulit. Sana naman maglive kana huhu. Pls do a comeback movie with @gulfkanawut too huhu”

Tila nagka-countdown pa ang isang fan.

“Meron pa tayong 28 days bago matapos ang October. Kelan? Hanggang kelan kami maghihintay? Charniz.”

May supporter pa na humiling ng collab kasama ang iba pang local singers.

“Sana sa comeback mo ay makipag Collab ka din sa mga Pinoy Singers.”

Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli

Matatandaang taong 2018 pa ang huling studio album si Sarah G.

Pinamagatan itong “This 15 Me” na inilabas kasabay ng kanyang 15th anniversary sa showbiz industry.

Dalawang taon nagpahinga sa music career ang pop star matapos mapakasalan ang actor na si Matteo Guidicelli noong 2020.

 

Read more:

Paglipat ni Sarah Geronimo sa GMA fake news, tuloy pa rin bilang Kapamilya

Sarah Geronimo magbabalik Kapuso na nga ba?

Sarah Geronimo graduate na sa culinary school, Matteo super proud

 

Read more...