HINDI pinapasok si Megastar Sharon Cuneta sa Hermes store habang ito’y namimili sa department store sa Seoul, South Korea.
Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi ng Megastar ang kanyang naging experience matapos siyang hindi papasukin ng doorman sa naturang mamahaling store.
“Gusto kong bumili ng sinturon sa Hermes, ayaw akong papasukin,” natatawang reklamo ni Sharon.
Ngunit sa halip na maimbiyerna sa nangyari ay lumipat ang Megastar sa Louis Vuitton para doon na lamang mamili.
Nang makapasok nga sa isa pang mamahaling store ay magiliw na inasikaso ng mga staff at in-assist si Sharon sa mga nais niyang bilhin.
Matapos ang pamimili ay binigyan siya ng champagne at flowers ng staff ng Louis Vuiton.
“Thank you Olivia. I got champagne and flowers… Thank you, Jasmine, very nice to meet you,” masayang sabi ni Sharon.
Habang nasa store siya ay ikinuwento niya sa staff na nag-asikaso sa kanya ang ilan sa mga detalye sa kanyang buhay tulad ng pagiging singer nito sa edad na 12 years old.
Bago lumabas si Sharon ay muli siyang nagpasalamat sa lahat ng staff na naging mabait sa kanya at inalalayan siya sa kanyang pamimili.
At bago nga umuwi ay muling nadaanan ni Megastar ang Hermes store.
Kumaway naman siya sa doorman ng naturang store sabay sabing, “No more, I [bought] everything.”
Makikita naman sa susunod na clip ng vlog ni Sharon ang isang clip mula sa pelikulang “Pretty Woman”.
Tulad kasi sa pelikula ay ganoon rin ang naramdaman ni Megastar matapos siyang hindi papasukin sa Hermes na marahil ay na-judge siya marahil na rin dahil sa suot niyang simple outfit na comfy lang.
Hindi rin siguro aware ang staff na isa si Sharon sa mga kilalang personalidad sa Pilipinas at kayang-kaya nitong bumili ng kahit na ano sa mamahaling shop.
Marami sa mga netizens ang nagbigay komento sa nangyaring pagtrato sa Megastar sa banyagang bansa.
“Yes. So happy that my Idol sharon cuneta also a fan of EXO.she’s so down to Earth. She deserve everything to enjoy after a long decade in working in industry,” comment ng isang netizen.
Saad pa ng isa, “Napakasimple lang ng pamilya Nila, kahit she’s very wealthy na, di mo makikitaan ng ere sa katawan. Pero pag gastusan na, hay, they can buy anything – no budget needed! Alam ni mega Kung saan lulugar – meaning to say, Alam niya Kung kelan sya magbibihis ng bongga!”
“Epic reaction when he saw how much ms. Sharon bought on the other store. ooppss! Cheer! Hope he’ll be much nicer next time,” sey naman ng isa.
Related Chika:
Heart umaming certified Jolina fan; may branded bag na isa sa pinakamahal sa buong mundo
Heart Evangelista game na nag-shopping sa sari-sari store
Sharon Cuneta natakot nang magpa-root canal: I’m not matapang sa mga dentista