#TrueBa: Andrew E bagong endorser ng isang online shopping app?

#TrueBa: Andrew E bagong endorser ng isang online shopping app?
USAP-USAPAN ngayon ang rapper-comedian na si Andrew E. matapos kumalat ang chika na siya ang susunod na magiging endorser ng isang online shopping app.

Ito ay kasabay ng pag-trending ni Toni Gonzaga matapos ianunsyo ng Shopee na ang aktres ang kanilang pinakabagong brand ambassador.

Agad na kumalat sa Twitter ang isang larawan na parang teaser naman kung sino ang magiging endorser ng Lazada, isa pang online shopping app na tila kahawig ng Filipino rapper kahit tila silhouette lang ito.

Umani naman ito ng samu’t saring komento mula sa mga netizens.

“I would understand Otin G as endorser, kasi she still has the following. Pero Andrew E? What kind of business decision is that?” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “nope, lazada won’t downgrade to Andrew E. knowing they have Kath B. and many more known big names and superstars.”

“Lazada’s Andrew E is just a hoax. It’s a fan made graphic. If it was true there is one major reason Toni G will be canceled more than Andrew E. Top of the list is HYPOCRISY. Toni uses Bible verses to prove her point, while being the country’s top traitor,” sey naman ng isa pa.

Mukha namang wala itong katotohanan at pawang edited lang ang naturang larawan dahil wala namang announcement ang online shopping app sa kanilang official social media accounts patungkol kay Andrew E.

Marahil ay pakulo na naman ito ng ilang netizens dahil nga nag-trending si Toni at marami ang nagdesisyon na i-boycott ang online shopping app at lumipat sa kalaban nito.

Bukod pa rito, wala ring anunsyo si Andrew E. sa kanyang social media accounts para patotohanan ang mga kumakalat na chika.

Sa ngayon ay nasa Vancouver, Canada ang rapper-comedian para sa concert tour.

Related Chika:
Toni Gonzaga ‘unbothered’ kahit inaayawan ng netizens: They are the reasons why we are here today

Jackie Chan, Hyun Bin patalbugan bilang endorser sa Pinas

Andrew E game na game pa ring makipaghalikan sa pelikula, jackpot sa 2 seksing leading lady

Si Marian Rivera ang number one budol ng buhay ko…at love na love niya ako! — Rhea Tan

Read more...