Jaime Fabregas nag-delete na rin ng account sa online shopping app: Nagkaroon ng mas malalim na dahilan

Jaime Fabregas nag-delete na rin ng account sa online shopping app: Nagkaroon ng mas malalim na dahilan

ISA ang beteranong aktor na si Jaime Fabregas sa mga taong nagpahayag ng kanilang pag-boycott sa online shopping app na Shopee.

Sa kanyang Twitter account ay naglabas ng pahayag ang beteranong aktor na kilala rin sa tawag na Lolo Delfin na karakter niya sa katatapos lang na longest aksyonserye na “FPJ’s Ang Probinsiyano”.

I have deleted my Shopee account. Matagal ko nang gustong gawin dahil sa gastos pero ngayon nagkaroon ng más malalim na dahilan,” saad ni Jaime.

Wala naman na itong binanggit kung ano ang kanyang mas malalim na dahilan.

Agad namang nag-trending ang tweet ni Jaime at umani rin ng samu’t saring komento mula sa mga netizens.

“Same reason here Sir. We appreciate you not only as a great actor but also for being a supporter of good governance and for your love for our country. God bless you,” comment ng isang netizen.

Saad pa ng isa, “More respect for you sir Jaime Fabregas. Hindi po ako nagkamali dahil mataas po talaga ang respeto ko sa inyo. Para po sa akin ay isa kayo sa mga lubos na kagalang galang na veteran aktor na may mataas na prinsipyo sa buhay at may pakialam sa kapwa,sa tama at sa katarungan.”

“You guys should stop promoting yung cancel culture. Think about the MSME na dito umaasa,” kontra naman ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Wow, grabe! Ang lalim ng dahilan. Kakahiya naman. Hindi pala lahat ng matanda, may pinagkatandaan.”

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang naturang online shopping app matapos nitong kunin ang actress-singer na si Toni Gonzaga bilang bago nilang endorser.

Marami sa mga netizens ang nagdesisyong i-boycott ang Shopee dahil rito dahil hindi daw nila sinusuportahan ang mga brands na kumukuha ng mga “enablers”.

Matatandaang nabansagan si Toni bilang “enabler” at “traitor” matapos itong magpakita ng suporta sa pamilya Marcos sa nagdaang eleksyon.

Related Chika:
Toni Gonzaga bagong endorser ng online shopping app; netizens na-bad trip, nagbanta

Hugot ni Jaime Fabregas: It will be very difficult to have another Susan Roces again in our lives…

RR Enriquez pumalag sa pahayag ni Jaime Fabregas: ‘Di po tayo katulad ni Cardo na ‘di mamatay-matay!

Jaime Fabregas kontra sa pagkakaroon ng ROTC: Teach our children to love their country!

Read more...