Vice Ganda sa mga bashers: I don’t want to talk to losers

Vice Ganda sa mga bashers: I don't want to talk to losers

NAGPASALAMAT ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa isa sa mga contestant ng “Everybody Sing” matapos niyang mapag-alaman na lagi siya nitong pinagtatanggol sa mga bashers.

Dito nga ay napag-usapan nila ang mga salitang madalas ibato sa komedyante gaya ng “maling impluwensya sa mga kabataan” at “hindi deserve purihin”.

Na-touch naman si Meme Vice sa contestant at buong pusong nagpasalamat kay JP dahil kahit na hindi naman siya kailangang ipagtanggol ay ginawa pa rin nito at happy siyang malamang may napapasaya pa rin siyang tao.

Dito ay naglahad na rin ang “It’s Showtime” at “Everybody Sing” host ng kanyang saloobin patungkol sa mga ginagawang pamba-bash laban sa kanya.

“Sa social media, sobrang bina-bash ako. Ako ‘yung one of the most followed personalities sa social media pero ang dami ring nangba-bash sa’kin,” simula ni Vice.

Aniya, pinipili na lamang niyang huwag sumagot sa mga natatanggap niyang batikos online at happy siya na maraming mga tao ang mas naniniwala sa kakayanan niya at patuloy siyang ipinagtatanggol.

Sey ni Vice, “Pero ‘di ako laging sumasagot, although there are times, ‘pag bored ako. Pero most of the time, ‘di talaga ako sumasagot. Kaya ‘pag sinasabi nila, ‘Ba’t di ka sumasagot?’ E una, ang dami namang sumasagot for me. ‘Yung kusa silang lumalaban for me at naa-appreciate ko ‘yon’.

“At saka ‘pag dinefend ko ‘yung sarili ko, ano bang mangyayari? Hindi rin naman sila maniniwala, diba? Kahit naman na sabihin ko, hindi naman maniniwala ‘yan kasi nga, hater ko sila, basher ko sila.”

Chika pa ni Vice, sayang rin naman kung mag-eexplain pa siya sa mga ito dahil papaniwalaan lang ng mga bashers ang gusto nilang paniwalaan.

“Never ko silang mapapaniwala kahit ano pang i-explain ko, never. Kasi to begin with, you don’t like me. So whatever I do, tama man o maganda ‘yan, you will never like it because you don’t like me so I will not explain.”

Kung nagpapasalamat si Vice sa lahat ng mga taong dumidepensa at nagtatanggol sa kanya, may diretsang mensahe naman ito sa mga taong patuloy ang paninira sa kanya.

“And you know, bashers and haters, all of them are losers, and I don’t want to talk to losers,” sey ng Unkabogable Star.

Related Chika:
Lolit pinayuhan si Vice Ganda ukol sa bashers: Hayaan mong pumutak sila

Kim sinupalpal ni Vice sa isyu ng panloloko: There’s no acceptable reason for cheating

Basher tinuruan ng leksyon ni Vice: You’re a bad example to the Christian nation!

Vice Ganda kinumusta ang mga bashers: Masaya ba kayo?

Read more...