Gerald Anderson binura ang comment sa IG post ni Rayver Cruz, bakit kaya?

Gerald Anderson binura ang comment sa IG post ni Rayver Cruz, bakit kaya?

MABILIS ang mga netizens sa pagkuha ng resibo dahil bago pa man burahin ni Gerald Anderson ang kanyang comment ay na-screenshot na ito ng mga netizens.

Nag-comment kasi ang aktor sa Instagram post ng kaibigan niyang si Rayver Cruz na kuha habang nasa Amerika ito na may caption na na “Back in the city of angels”.

“Without me?” comment ni Gerald.

Ngunit agad rin itong binura ng aktor.

Mukhang hindi agad nakita ni Gerald ang iba pang mga larawan na in-upload ni Rayver kaya hindi nito napansin na sa huling larawan ay kasama ang kanyang ex-girlfriend na si Bea Alonzo.

Magkakasama kasi sina Rayver, Bea, Julie Anne San Jose, at Dingdong Dantes na lumipad pa-Amerika para sa “Together Again: A GMA Pinoy TV @17 Concert”.

Kaya naman agad na naging usap-usapan ng mga Marites kung may kaugnayan nga ba ang pagiging present ni Bea sa larawan kaya binura ni Gerald ang kanyang comment.

“Bakit delete[d] ang msg ni Gerald dito?” takang tanong ng netizen.

Sagot naman ng isang netizen, “Very obvious naman na hindi niya napansin. Yung comment niya [doon] nagreply mga marites. Sinabi lang nandon ex kaya binura nya kaagad. Ayaw lang nya ng intriga.”

Dagdag pa ng isa, “Sayang double date sana kung si Gerald yun HAHAHAHA anyway labyu guys. Enjoy LA.”

Matatandaang naging usap-usapan ang kontrobersyal na paghihiwalay nina Bea at Gerald noon dahil diumano’y hindi na nagparamdam o na-ghost ang Kapuso star ng dating kasintahan.

May mga chika rin na noong mga panahong magkarelasyon pa sila ay nakikipagmabutihan na ito kay Julia Barretto na naging leading lady niya sa pelikulang “Between Maybes”.

Itinanggi naman ito ni Julia noong 2019 sa isang panayam at sinabing wala siyang inaagaw at hindi siya niligawan ni Gerald.

Nitong March 2021 naman ng aminin ng aktor na in a relationship na sila ni Julia at sinagot na ang matagal nang isyu sa pagitan nila ni Bea.

Tila marami pa rin sa mga netizens at supporters nina Gerald, Bea, at Julia ang hanggang ngayon ay affected pa rin sa tuwing mauungkat muli ang isyu sa pagitan ng dalawa.

Sa ngayon ay masaya na at parehas nang may karelasyon ang dalawa.

Going strong ang relationship nina Julia at Gerald maging ang relasyon ni Bea kay Dominic Roque.

Related Chika:
Julia Barretto sa chikang hiwalay na sila ni Gerald Anderson: I do feel safe in this relationship

Ilang netizens kumampi kay Gerald, Bea sinabihan ng, ‘Shut up na lang!’

Julia Barretto, Gerald Anderson magpapakasal na nga ba?

Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach

Read more...