Jameson Blake itinangging may relasyon sila ni Heaven Peralejo: We’re not together

Jameson Blake itinangging may relasyon sila ni Heaven Peralejo: We’re not together
SA nakaraang panayam ni Ogie Diaz kay Jameson Blake, isa sa cast ng “A Family Affair” ay nasambit nito na silang dalawa lang ng mama niya ang magkasama sa Pilipinas dahil ang dalawang kapatid niya ay nasa ibang bansa at doon nagwo-work samantalang ang Amerikanong ama ay nasa Hongkong kung saan ito naka-base.

Lahat ng ikagiginhawa ng ina ay ibibigay ng aktor dahil nga lumaki siyang salat sa yaman kaya nang magkaroon siya ng break sa showbiz ay talagang inilaan niya ito para sa pamilya.

Sa nasabing panayam din ay walang inamin si Jameson na may karelasyon siya ngayon tulad ng tsika ni Ogie sa vlog nila nina Mama Loin a ayon sa kanyang source ay girlfriend na nito si Heaven Peralejo n aka-loveteam niya sa “A Family Affair”.

Kaya naman sa guesting ni Jameson sa “Magandang Buhay” kamakailan ay klinaro niya ang balita.

Aniya, “No, we’re not together. We’re friends. But I’ll say na naging close kami dahil sa A Family Affair, magkasama kami doon and I got to know her more. Kasi alam ko may mga articles na lumalabas na people are saying na we are together, pero we are not together. We’re just friends, we’re good friends.”

Inamin naman ng aktor na gusto niya si Heaven dahil nice ito pero sa kasalukuyan ay wala pa sa plano niya ang makipag-relasyon dahil prayoridad niya ang kanyang career at ang makapagpatayo ng sariling bahay.

Ayon naman sa taong malapit kay Jameson ay close sila ni Heaven, pero walang commitment dahil nga marami pang gustong gawin ang aktor sa buhay niya.

“Love can wait daw, eh,” sabi sa kanya ng binata.

Sabi pa ng aming kausap, “sobrang tipid niyan kaya ayaw muna niya ng dyowa, ha, ha, ha magastos daw.”

 

Related Chika:
Heaven Peralejo, Jameson Blake magdyowa na raw: ‘Kung ganyan ka kaganda, maraming aaligid sa ‘yo, maraming manliligaw’

2021 ni Heaven Peralejo magkahalong luha at tagumpay; malaki ang utang na loob sa Siargao

Jameson Blake pinag-ingat; sinamahan ng multo hanggang Maynila

Ivana Alawi sa magiging dyowa: Mas gusto ko yung mahal na mahal ako kesa mahal na mahal ko siya

Read more...