SA pagpirma ni Bea Binene bilang new talent ng Viva Artist Agency nitong Biyernes, Setyembre 23 ay inamin ng dating Kapuso star na willing siyang maka-trabaho ang lahat ng Viva artists na hindi nya nakatrabaho noong nasa GMA 7 at hindi siya namimili kung sino ang mga ito, iisa lang ang hiniling niya kina Boss Vic Del Rosario, hindi niya kaya ang magpa-sexy tulad ng ginawa ni Julia Barretto sa “Expensive Candy”.
“’Yun po ang unang-unang sinabi ko nu’ng nag-meeting kami dito sa Viva na hindi kop o kaya ang (magpa-sexy.
“Right now, masasabi ko talaga na hindi ko pa po kaya saka sa Vivamax naman hindi naman lahat ay sexy at daring, for sure mayroon naman akong puwedeng gawin pero ‘yung pagpapa-sexy parang hindi kop o kaya, ha, ha, ha,” pagtatapat ni Bea.
Sa mga gusto niyang maka-partner sa Viva, “marami po ng artista ng Viva na nilo-look forward kong maka-trabaho. Very open naman po ako kahit sino naman at sa tingin ng Viva na okay ang chemistry at okay ang result.”
Walang partikular na pelikulang produced ng Viva Films na binanggit si Bea sa tanong namin kung ano ang gusto niyang i-remake. Kahit ano raw ay open siya ‘wag lang talaga magpa-sexy.
Dumaan ang pandemya at lahat naman ay apektado lalo na ang taga-entertainment industry na for how many months ay sarado ito kaya natanong si Bea kung kumusta ang naging buhay niya noong lockdown at kung operational pa ang coffee shop niya na sa isang kilalang mall.
“’Yung buhay pandemic siyempre mahirap, for sure lahat tayo nahirapan at nanibago, but I still feel bless dahil privilege na mag-stay sa bahay kasama ang family natin and safe naman.
“Nu’ng unang time ng pandemic nakakatakot kasi hindi natin alam kung anong mangyayari, I took it also as a break sa trabaho since nagwo-work (sa murang edad). Nag-aral ako actually.
“Nag-aral ako ng Korean at Mandarin, nag –online courses din ako sa Harvard (University) business school sa Northwestern and London Business school, so kahit papaano naging fruitful naman during the pandemic.
“’Yung coffee shop ko sa Megamall, struggle din (dahil) sa pandemya, so, we decided to close it down. I think it’s also blessing din kasi we were able to transfer it sa province ni mama sa Nueva Ecija, we were opening very soon,”kuwento ni Bea.
Ano ang naisip noon ng aktres noong hindi siya na-renew ng GMA 7 pagkalipas ng ilang taong pamamalagi niya sa Kapuso network. Finalist si Bea ng Starstruck Kids noong 2004.
“First time hindi na-renew ang contract ko kasi that time since pandemic at nakakatakot naman talaga na magla-lock in ka, and ‘yun ‘yung time na wala pang vaccine, so medyo nakakatakot (talaga).
“Ibang-iba talaga kasi opposite sa nakasanayan nating tapings and all that, so, nakakatakot talaga.
“That time ang napag-usapan was hindi naman sinabing, ‘okay hindi ka namin ire-renew. Walang ganu’n.’ I’m very thankful to GMA kasi I will not be here without them, di ba?
“18 years na sila (GMA) ang kasama ko, so, literally sa GMA ako nabago, lumaki, pumayat lahat na, sila ang kasama ko and very much thankful na kahit I’m being manage by VAA already, forever akong magiging part sa kanila kung sino ako.
“And now that I’m with VAA, there will be more and wider opportunities kung saan po may trabaho. Magiging grateful po tayo,”paliwanag ni Bea.
Sa kasalukuyan ay wala pang binanggit si Bea kung ano ang project niya sa Viva pero soon malalaman na dahil nga nitong Biyernes palang siya pumirma ng kontrata kasama sina boss Vic at M Veronique del Rosario.
* * *
Simula sa Huwebes, September 29 ay mapapanood na ang dating teen heartthrob na si Bobby Andrews sa movie-seryeng “Suntok Sa Buwan” na pinagbibidahan ni Aga Muhlach sa TV5.
Gagampanan ni Bobby ang role ni Benj na estranged father ni Trina (Maris Racal). Like most husbands na nangangaliwa, nagsimula si Benj sa isang temptation sa office, confident na hindi na ito mauulit.
Pero habang tumatagal ay na-in love na siya sa kanyang third party. Hanggang dumating ang panahon na na-realize niya na nga na hindi na niya mahal ang asawa niya, ang nanay ni Trina.
Dahil dito, iniwan ni Benj ang kanyang pamilya bago pa lumala ang mga bagay-bagay. Bumuo siya ng pamilya with his new girl. And true enough, naging masaya naman talaga sila as a family.
Pero nang lumalaki na ang daughter niya rito, he couldn’t help but think of Trina. He starts feeling guilty kaya gusto niyang mag-reconnect sa anak.
Sobrang thankful naman si Benj sa family niya dahil tanggap nila ang past niya at suportado siya rito. Kaya gagawin niya ang lahat para magpaka-tatay sa kanyang estranged daughter na si Trina.
Samantala, isa ang Suntok sa Buwan sa mainit na pinag-uusapan among the TV 5 shows kabilang na ang “Oh My Korona” at “Sing Galing”.
Related Chika:
Nadine sinupalpal ang netizen; naghahanda sa pagbabalik pelikula
Bea Binene nanindigan para sa bet na kandidato, sey ng netizens: The only BBM we stan!
Bea Binene tapos na ang kontrata sa GMA, lilipat na rin ba ng TV network?