Raymund Marasigan sa isyu ni Marcus Adoro: I hope the issue between the parties gets resolved soon

Raymund Marasigan sa isyu ni Marcus Adoro: I hope the issue between the parties gets resolved soon
NAGSALITA rin ang ang drummer ng Eraserheads na si Raymund Marasigan ukol sa kontrobersyang kinasasangkutan ng kanilang gitaristang si Marcus Adoro.

Matatandaang inanunsyo na ng banda ang pagkakaroon nila ng reunion concert na matagal nang inaabangan ng madlang pipol sa darating na December 22, 2022.

At kasabay nga ng pag-trending ng balitang reunion concert ng E-heads ay ang pagkabuhay ng isyu ng pang-aabuso diumano ng gitarista sa kanyang anak at dating partner.

“I hope the issue between the parties gets resolved soon,” saad ni Raymund sa kanyang naging panayam sa bandwagon.asia.

“I really want to respect the privacy of those involved, and sincerely hope they all find peace of heart and mind,” dagdag pa niya.

Marami sa mga netizens ang nagsasabing “enabler” daw sat “kunsintidor” dahil daw sa kabila ng mga isyu ay nananatili silang tahimik.

“If you’re my friend, seek me out we can talk about it privately,” sey ni Raymund.

Pagpapatuloy niya, “Publicly on social media, any statement can be misconstrued. Nobody wins.”

Sa bagay, noon pa man ay aminado na sila na bagama’t magkakasama sila sa E-heads ay hindi naman talaga sila naging magkakaibigan at ang tanging naging close lamang ni Raymund ay ang bassist nilang si Buddy Zabala.

Maski nga si Ely Buendia na kanilang bokalista at sinabi ring hindi niya itinuturing na mga kaibigan ang mga kabanda.

Kuwento ni Raymund, “awkward” raw sa pakiramdam kapag magkakasama sila at hindi rin sila nag-uusap.

Sa ngayon ay tuloy na tuloy pa rin ang reunion concert nila at wala pa ring inilalabas na pahayag si Marcus sa kinasasangkutang isyu.

Bukod sa E-heads, parte rin ng bandang Sandwich si Raymund na nagpasikat ng mga kantang “Sugod” at “Betamax”.

Related Chika:
Ely Buendia hindi nga ba sisiputin ang Eheads reunion concert kung hindi maaayos ang isyu ni Marcus Adoro?

Miyembro ng Eraserheads inireklamo ng netizens, wag daw isama sa reunion concert

Eraserheads biglang nag-trending, magkakaroon nga ba ng reunion?

#HulingElBimbo: Reunion concert ng Eraserheads tuloy na tuloy na sa Disyembre

Read more...