“MARAMING nag-suggest na sa akin interbyuhin ko si Mar (Roxas), kinukumbinsi ko pa. Gusto niyang role ngayon sa buhay, eh, tatay nina Pepe and Pilar, malayo sa pulitika ang isip niya ngayon,” ito ang pahayag ni Ms Korina Sanchez-Roxas sa nakaraang launching ng mga shows sa NET25 na produced ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC).
Ang programa ng dating “TV PatroL” Anchorwoman ay “Korina Interviews” na magiging bahagi na siya ng NET25 tuwing Linggo sa ganap na 5PM simula sa Oktubre 2.
Inakala nang lahat na sa ibang TV network siya mapapanood dahil kalat ang balitang ang Rated K program niya ay sa ALLTV ito mapapanood.
“Oo mabait talaga ang kapalaran sa akin na nagpala tayong mapagbigyan sa iba’t ibang plataporma at sa katotohanan lang at nagkataong nagtugma ‘yung kagustuhan ko na maging bahagi ng NET25 sa kagustuhan din pala ng NET25 na mapabilang din ako sa kanilang hanay.
“So, nakakatuwa at nakakataba ng puso siyempre naging madali ang negosasyon, naging sweet ang usapan namin, nakapagbigay nila sa panahon sa pagbibigay ng guidance.
“Yes I also have offers from others (network). There’s no exclusivity that is required of us. Ang napapansin ko ang broadcast landscape ay ibang-iba na at alam n’yo lahat ‘yan. Kung nakasabayan ko kayo 30 years ago ibang-iba ‘yung simula namin noon sa panahon ngayon.
“Kasi ngayon nakikita ka na kahit saan. Ang kakumpetensya mo ay hindi naman major networks or mainstream platforms kundi pati social media. At kapag sinabi mong social media ang daming umuusbong na mga bago at lahat ‘yan gusto naming pasukin lalo na ‘yung may energy na oras para gumawa ng content,” mahabang pahayag ni Ms Korina.
Bakit ang NET25 ang napili niya at nabanggit pang nasa bucklet list niya ito.
“Kilala naman ng lahat ‘yung Rated K na 25 years sa ABS-CBN before and now is carrying mobile platform A2Z, Kapamilya Channel, TV5 and TFC. Maiikli kasi ‘yung mga ‘yun.
“I’ve always wanted a one-on-one, isang buong oras na isang tao lang ang kausap (ko). Kung baga mas relax. May apat na kaming episodes na sa Korina’s Interviews for NET25. It something that only comes out sa totohanang kuwentuhan pag medyo mas mahaba,” pahayag ni Korina.
At marami nga raw nag suggest na isa ang asawang si ex-senator Mar ang kapanayamin niya.
“Ha, ha, ha. Ha, maraming nag suggest na rin sa akin ‘yan na interbyuhin ko si Mar at sagot ko nga kinukumbinsi ko pa. Maraming nag-iimbita kay Mar na mag-guest o maging columnist pero parang ang gusto niyang role ngayon sa buhay, e, tatay nina Pepe and Pilar. Siguro ayaw niyang sumagot ng tanong tungkol sa politika. Sige subukan natin, tingnan natin siguro magre-rate ‘yun,” masayang sagot ng wife ni ex-sen Mar.
Sino pa ang dream interview niya for Korina’s Interviews.
“Marami akong gustong makapanayam depende na rin kasi some are contract stars of the other networks and some are very exclusive and very strict, so, there is a limitation and kakumpetensiya mo rin ‘yung ibang personalities who’s having own platforms.
“Anuman ang mga rebeleasyon nila ay doon lang nila ipapakita, so that is a limitation but I’m a big believer that every person has a story to tell na hindi pa ninyo nalalaman,” saad ni Ms K.
At mga naka-tsikahan na niya ay ikinagulat na umiyak sa one-on-one niya si Dra. Vicky Belo, si Sen Loren Legard ay dati palang discjockey noon, si Raymond Bagatsing na masarap magluto at dog lover at Sylvia Sanchez na big time na ngayon.
Nabanggit pa ni Ms K na hindi siya dumedepende kung sino ang hot issue ngayon o ano ang latest kundi nandoon siya sa mga panayam na first time malalaman ng tao.
Siya rin ang producer ng Korina Interviews dahil nakasanayan na niya na hands on siya sa lahat ng programa niya na natutunan niya sa ABS-CBN.
Related Chika:
Korina sa pagiging tatay ni Mar sa kambal nilang anak: This is now his happiest and most important position to date
Korina Sanchez may pa-tribute para sa ika-64 kaarawan ni Mar
Ano nga ba ang matagal nang ‘bubog’ ni Christopher Roxas kay Ogie Diaz?