Abogado ni Vhong Navarro may pasabog na anggulo sa rape case na isinampa ni Deniece Cornejo

Abogado ni Vhong Navarro may pasabog na anggulo sa rape case na isinampa ni Deniece Cornejo

NANININDIGAN ang abogadong si Atty. Alma Mallonga na hindi totoo ang bintang na rape laban sa kanyang kliyenteng si Vhong Navarro.

Hanggang ngayon kasi ay malaking palaisipan pa rin dahil tila nabaligtad ang mga pangyayari lalo na’t ilang beses na ring nabasura ang kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa Kapamilya TV host.

January 2014 nang magulantang ang madlang pipol dahil sa malaking balita patungkol sa diumano’y panghahalay ng Vhong kay Deniece na nauwi sa pambubugbog sa kanya ng mga kaibigan nito kabilang si Cedric Lee.

Sa isang panayam ay muli namang binalikan ng abogado ng TV host-comedian ang mga nangyari noong January 22, 2014.

“More than eight years ago, naging biktima po si Vhong Navarro ng krimen. Siya po yung biktima. Siya po ay dinetain, binugbog, pinagbantaan, kinukunan ng pera,” saad ni Atty. Alma Mallonga.

Pagpaptuloy niya, “Di ba, dinala siya sa police station at sinabi, ‘Pang ano lang ito, pang-leverage para hindi ka magsumbong. Ilalagay natin ‘to na ikaw ay nag-confess na meron kang ginawang attempted rape. Pero buburahin natin ‘yan pag nagbayad ka, huwag kang magsusumbong.’”

Ang tinutukoy ng abogado ay ang pagpapa-blotter ni Deniece kay Vhong noong January 2014.

Aniya, ginamit raw ito ng grupo nina Cedric Lee, kaibigan ni Deniece ang police blotter para makalusot sa ginawa nila sa isa sa main host ng “It’s Showtime”.

“Kaya naman si Deniece walang pinayl na complaint, di ba? Walang nangyari. Pero nung dinala na si Vhong bilang biktima, at meron ding mga nagpayo sa kanya, mga nagmamahal sa kanya, kailangang maipaglaban niya ang kanyang mga karapatan. So, nagreklamo siya sa NBI, at nagsampa na nga siya ng kaso,” sey pa ni Atty. Mallonga.

Matatandaang nag-file ng kaso ang Kapamilya star laban sa grupo nina Deniece ng serious illegal disorder at grave coercion.

July 2018 nang mahatulang guilty sa kasong grave coercion dahil napatunayang pinilit nila si Vhong na pirmahan ang police blotter na “citizen’s arrest” ang ginawa mg grupo nina Cedric at ng mga kasama nito dahil sa diumano’y panghahalay niya kay Deniece na itinanggi naman ng komedyante.

Samantalang hanggang ngayon ay ongoing pa rin ang kasong serious illegal detention kaugnay ng pambubugbog, panggagapos, pagpipiring, at pananakot na ginawa ng grupo kay Vhong sa loob ng condo unit ni Deniece noong January 2014.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng kampo ni Deniece hinggil sa isyung ito.

Related Chika:
Vhong Navarro sinampahan ng kasong rape sa Taguig, komedyante nag-react: Alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo

Vhong Navarro kinampihan ng ex-wife na si Bianca Lapus: The truth will prevail, walang iwanan…

Vhong kay misis: Maraming salamat Mahal dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap at sa ginhawa

Madlang pipol kanya-kanyang hugot sa pagkakulong ni Vhong Navarro; ‘It’s Showtime’ hosts nag-group hug

Read more...