Moira dela Torre sinagot kung ‘babalik’ nga ba kay Jason Hernandez: Nope

Moira dela Torre sinagot kung 'babalik' nga ba kay Jason Hernandez: Nope
PURING-PURI ng mga netizens kakaibang glow ng singer-songwriter na si Moira dela Torre sa nagdaang grand finals ng “Idol Philippines” season 2.

Pumayat kasi at mas lalong naging sex ang mang-aawit bagay na talaga namang kinagiliwan ng madlang pipol lalo na at mas naging kapansin-pansin ang natural nitong ganda.

At may mga naintriga rin sa naging TikTok video ni Moira kung saan kinakanta nito sa isa sa kanyang mga kasalukuyang hit song na “Babalik Sa ‘yo”.

@moiradelatorre #duet with @alvin #fyp #babaliksayo #babaliksayobymoira ♬ original sound – alvin

Nitong Lunes, Setyembre 19, nagpasalamat ang isa sa mga judges ng “Idol Philippines” sa lahat ng mga taong patuloy na nagbibigay ng suporta sa kanya maging sa kanyang mga awitin.

“Thank u for all the love uv given babalik sayo and for making it no. 2 on the charts!! ly guys,” saad ni Moira.

Isang netizen naman ang naglakas loob na magtanong sa singer kung may posibilidad nga bang magkaroon ng comeback ang relasyon nila ng asawang si Jason Hernandez dahil sa kanyang masayang pagkanta sa trending “2 Good 2 Be True” theme song.

“Is this a sign of their love reconciliation?” tanong ng netizen.

Maikiling sagot naman ni Moira, “Nope.”

Paglilinaw pa niya, “Kanta lang ‘to. ‘Wag marupok.”

Samantala, nag-release rin ng bagong kanta si Jason Hernandez na “Ako Nalang” na nag-trending rin dahil tila hugot ito ng mang-aawit sa nangyari sa kanilang dalawa ng dating asawa.

Matatandaang nitong Mayo 2022 nang kumpirmahin mismo ni Jason na hiwalay na sila ni Moira.

“Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage. I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a ‘peaceful’ but dishonest path,” bahagi ng pahayag ni Jason.

Humingi rin ito ng tawad sa lahat ng mga ginawa niyang kasalanan sa dating asawa maging sa lahat ng mga taong nasaktan at naapektuhan sa kanilang paghihiwalay.

Enero 14, 2019 nang ikasal ang dalawa through Christian wedding na ginanap sa Narra Hill, Lian Batangas.

Related Chika:
Moira, Jason Marvin nagkatampuhan daw pero hindi naghiwalay

Moira dela Torre tinuldukan ang isyung hiwalayan kay Jason Marvin Hernandez

Jason Hernandez kinumpirmang hiwalay na sila ni Moira dela Torre: I’m sorry for everyone I hurt…

Lalaking nadamay sa hiwalayang Moira at Jason nagsalita na: Ako ang handler nila, pakiusap umiwas na tayo sa tsismis

Read more...