WINNER bilang Most Outstanding Online Entertainment Editor si Ervin Santiago ng Bandera sa Asian Business Excellence Awards 2022.
Nitong Miyerkules, Setyembre 14, naglabas ng listahan ang naturang award-giving body kung saan isa ang Bandera Editor sa mga mabibigyan ng parangal.
“Congratulations to Ervin Santiago [of] Bandera for being one of the recepients of upcoming Asian Business Excellence Award 2022! We are so proud of you!” saad sa caption ng Facebook post ng ABE Awards.
Ayon sa kolumnista at editor ng Bandera, hindi niya inaakala na makatatanggap siya ng ganitong parangal sa mahigit 20 taon na niya sa entertainment industry.
“This is unexpected. Hindi ko inakala na sa halos 2 dekada ko sa entertainment industry as columnist and editor, ay makakatanggap pa ako ng award like this,” saad ni Ervin.
Chika pa niya, ito ay nangyari nang maging bahagi na siya ng Inquirer.net para sa isa sa mga channels nito na Bandera.
“Nakakataba ng puso na naa-appreciate ng Asian Business Excellence Award ang ginagawa natin sa pagbibigay ng showbiz stories and other features sa ating mga kababayan,” pahayag pa ni Ervin.
Lubos rin ang pasasalamat niya sa ABE Awards sa pagkilala nito sa kanyang mga kontribusyon sa entertainment industry bilang editor pati na rin sa Bandera at Inquirer.net.
“Maraming salamat sa ABEA sa parangal at tiwala na ibinigay nila sa akin, sa Bandera at sa Inquirer.net. Para ito sa lahat ng mga readers at supporters na patuloy na naniniwala sa Bandera mula noon hanggang ngayon,” dagdag pa niya.
Ang Asian Business Excellence Awards ay isang non-profit organization na naglalayong magbigay ng pagkilala sa mga indibiduwal na may natatanging kontribusyon sa entertainment industry.
Iba pang chika:
4th EDDYS mapapanood sa FDCP channel; Angel Locsin, Kim Chiu, Rhea Tan pararangalan
Toni Gonzaga wagi bilang Outstanding Celebrity Host, ’ToniTalks’ may award rin