Ion Perez titigil na sa pagmo-motocross: Para sa katahimikan ng damdamin at puso ni Meme

Ion Perez titigil na sa pagmo-motocross: Para sa katahimikan ng damdamin at puso ni Meme
NAGDESISYON ang TV personality at kabiyak ni Vice Ganda na si Ion Perez na tumigil na sa kanyang hobby na pagmo-motocross.

Sa kanyang latest YouTube vlog na in-upload noong Sabado, Setyembre 11 ay ibinahagi niya ang rason kung bakit titigil na siya sa kanyang nakahiligan.

Sa unang bahagi ng vlog ni Ion ay ipinakita niya ang bagong biling bike at ang mga accessories nito pati na rin ang kanilang ginawang pag-assemble.

Aniya, matagal na raw talaga niya itong gustong makuha ngunit dahil ngayon lang siya nakapag-ipon para sa bike at dahil na rin sa madali itong maubos sa bansa ay ngayon lang niya ito nabili.

At habang binubuo nga ang kanyang dream bike ay doon sinabi ni Ion na hindi na siya magmo-motocross.

“Hindi na ‘ko magmo-motocross… para sa katahimikan ng damdamin at puso ni Meme… bike na lang tayo ulit no, madlang pipol?” pag-amin niya.

Pero kahit iba na ang kanyang kinahihilogan ngayom ay may pagkakatulad pa rin ang motocross at biking.

“Kaya lang parehas din. Mahapdi sa bulsa,” sey pa ni Ion.

Marami naman sa mga tagasuporta nila ni Vice Ganda ang sumang-ayon sa pagtigil niya sa pagmo-motocross.

“Buti na lang bike na lang ang hobby mo Ion… delikado kasi ‘yong motocross… mapanatag pa ang kalooban ng asawa mo,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Sobrang ganda ng new bike mo idol…iba ka talaga.. kapag nagustuhan mo isang bagay… buy mo talaga…deserved mo ‘yan kasi naghard work ka naman at humble pa.”

“Tama Ion, safety first sa feelings ni Meme, lagi kabado sa motocross eh. Bike na lang. Goodluck and God bless. Keep safe always,” sey pa ng isa.

Matatandaang open naman si Vice Ganda na madalas siya kabahan sa tuwing nagmomotocross ang asawa.

Kwento niya noon, takaw aksidente daw talaga ang asawang si Ion kaya nga hindi ito nakatunog na may pasorpresa sa kanyang birthday noong Abril nang sabihin na nagtamo ang kanyang asawa ng injury.

“Kasi nga itong si Ion, takaw aksidente yan kaya konting kibot napipilay siya. Ang sakit talaga ng ulo ko, na-stress ako,” kuwento ni Vice matapos malaman na prank lamang ang nangyari sa asawa at parte lamang ng plano para sa kanyang surprise birthday party.

Related Chika:
Vice Ganda umalma sa mga nagpapakalat ng fake news: Ang evil!

Cristy Fermin sinabing marami pa ring duda kay Ion Perez: Pera pa rin ni Vice at popularidad ang makikita ng publiko na nagustuhan niya

Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula?

Oyo Sotto naaksidente habang nagba-bike, sumailalim sa surgery: Lord Jesus, maraming salamat! You’re the best!

Read more...