May 'Luv U' | Bandera

May ‘Luv U’

Joseph Greenfield - September 28, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Susie, ng Banga, South Cotabato
Dear Sir Greenfield,
Ang sabi ng mister ko, kaibigan lang daw niya ang textmate niyang babae.  Pero, nang matunton ko ang iba pang natanggap na text ng mister ko mula babaing iyon, bakit may “luv u?”  Gusto kong gerahin ang asawa ko pero natatakot ako na baka lumayas siya.  Natatakot ako na baka isang araw, bigla na lang niya kaming iwanan. Ano po ba ang dapat kong gawin? May posibilidad po ba na mahiwalay ako sa aking asawa? Sa ngayon po pinapangibabawan talaga ako ng takot at pag-aalala, sana matungan nyo po akong mapanumbalik ko ang dating pagmamahal sa akin ng mister ko? May 14, 1980 ang birthday ko at September 12, 1979 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Susie, ng Banga, South Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
‘Wag kang mag-alala Kristel at di ka rin dapat labis na mabahala, sapagkat kapansin-pansing iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kahit na mambabae ang iyong mister, o kahit na may textmate pa siya, sa bandang huli, wala rin siyang magagawa sa itinakda ng kapalaran – mananatiling buo ang inyong pamilya at kayo parin ang magsasama habambuhay.
Cartomancy:
Pansamantalang problema lamang ang nais sabihin ng barahang Seven of Spades, habang ang barahang Six of Diamonds at Queen of Heart ay nagsasabing habang nakikipag-bolahan ang mister mo sa textmate niya, lalo naman siyang sisipaging mag-trabaho kaya patuloy ang dating ng maraming pera at maalwang pamumuhay sa inyong pamilya sa darating na mga araw.

Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending