GMA-7 pinabulaanan ang chikang maglalabas ng statement sa 'hiwalayan' nina Heart at Chiz | Bandera

GMA-7 pinabulaanan ang chikang maglalabas ng statement sa ‘hiwalayan’ nina Heart at Chiz

Therese Arceo - September 10, 2022 - 09:42 PM

GMA-7 pinabulaanan ang kumakalat na chikang maglalabas ng statement sa 'hiwalayan' nina Heart at Chiz

NILINAW ng GMA-7 na walang katotohanan ang kumakalat na balitang na maglalabas sila ng pahayag ukol sa diumano’y paghihiwalay ng actress-vlogger na si Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Isang artcard kasi mula sa isang entertainment site ang kumalat sa social media nitong Huwebes, Setyembre 7 na pumapatungkol sa diuma’y paghihiwalay ng dalawa.

Ayon sa naturang artcard, “Ang GMA-7 daw ang maglalabas ng official statement para kumpirmahin ang hiwalayan nina Sen. Chiz Escudero and Heart Evangelista.”

Nasabi rin sa ulat ng online tabloid ang pagiging Kapuso ng aktres na nasa pangangalaga ng Sparkle.

Kaya naman nilinaw ng GMA-7 na walang katotohanan ang kumakalat na balita.

Nag-post rin sila sa kanilang official social media accounts para mas maging malinaw ang balita sa lahat.

“Beware of fake news, mga Kapuso,” saad sa caption ng GMA-7 kalakip ang kumakalat na artcard na may malaking nakasulat na “fake news”.

Dagdag pa nito, “Hindi totoo na maglalabas ang GMA ng statement tungkol sa nasasabing issue.”

Matatandaang ilang linggo na ring usap-usapan ang patungkol sa diumano’y marital problem na pinagdaraanan nina Heart at Sen. Chiz na mas lalong umugong nang tanggalin ni actress-vlogger ang kanyang apelyidong “Escudero” sa kanyang Instagram handle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Bukod rito ay marami pang mga naging bulung-bulungan ang mga netizens na kesyo matamlay na rin ang mga ni Heart noong huli silang makitang magkasama sa event na GMA Gala Night pati na rin ang tila hindi pagsusuot ng aktres ng kanyang wedding ring.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

At noong nakaraang Biyernes, Setyembre 2, ay naglabas siya ng kanyang vlog kung saan inamin niya na mayroon siyang “personal” na pinagdaraanan.

Hindi naman niya nabanggit ang isyu patungkol sa kanila ng asawa pero sinabi niya “in search” siya sa paghahanap ng “real happiness” sa kanyang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Like, I feel a lot of pressure in my life and, basically now, I am really in a search for just being happy,” sey ni Heart.

Related Chika:
Vice Ganda hindi mag-oober da bakod sa GMA-7; Jonathan Manalo biggest hit ang ‘Pinoy Ako’

Heart Evangelista biglang umiyak habang nasa photoshoot: ‘It was a moment…’

Cecile Ongpauco nagsalita na sa chikang hiwalayan nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending