Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
4 p.m. UST vs NU
ANG koponang magpapakita ng ibayong husay sa pressure-packed game na ito ang siyang kukuha ngpanalo sa 76th UAAP men’s basketball do-or-die Final Four game ngayong hapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa ganap na alas-4 ng hapon itinakda ang huling pagtutuos sa pagitan ng National University at University of Santo Tomas at ang mananalo ang papasok sa Finals kalaban ang pahingang De La Salle University.
Nauwi sa rubbermatch ang tagisan nang manalo ang No. 4 ranked Tigers sa No. 1 seed Bulldogs, 71-62, noong Setyembre 22.
Nais ng Tigers na maging kauna-unahang pumang-apat sa eliminasyon na pumasok ng championship round sapul nang gamitin ng UAAP ang Final Four.
Masasabing angat ang UST sa ganitong laro dahil ang kanilang mga manlalaro ay may championship experience matapos pumangalawa noong nakaraang taon sa Ateneo de Manila University.
May kumpiyansa naman si UST mentor Alfredo Jarencio lalo pa’t ang may pressure para sa kanya ay ang Bulldogs dahil sa pagiging number four lamang sa playoffs.
“Ganoon pa rin ang mindset namin. Nasa kanila ang pressure at nothing to lose kami,” ani Jarencio. Sa kabilang banda, wakasan ang 43 taon na hindi nakakatapak ng Finals ang NU ang isa pang misyon ng bataan ni coach Eric Altamirano.
Taong 1970 pa huling pumasok sa Finals ang NU habang ang huling titulo na kanilang pinanalunan sa liga ay noon pang 1954.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.