SA nakaraang intimate interview kay Inigo Pascual bilang si Ace Grayson para sa international drama series na “Monarch” produced by Fox kasama sina Anna Friel, Trace Adkins, Beth Ditto, Joshua Sasse at Susan Sarandon ay natanong namin kung paano niya ikukumpara ang paggawa ng series dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Ang “Monarch” ay kinunan sa Atlanta, USA during the COVID-19 pandemic kaya lock in shoot sila for eight months.
“Nu’ng araw ko ro’n, wala akong RM (road manager), wala akong kasama tapos kinakabahan ako hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sa make-up trailer doon ako tumambay, sabi ko, ‘I’m just staying here (staff)’ kasi hindi ko alam kung saan ako pupunta (at) nahiya akong magtanong kung saan ang standby area.
“Nasabi ko (staff), ‘I need to use the restroom, I don’t know where.’ Tapos sabi nila, ‘Why don’t you just use the one in your trailer?’ Tapos sabi nila, ‘you have one in your trailer.’
“So hinanap ko yung trailer, tapos nakasulat do’n Inigo. Isang buong trailer. Sabi ko hala may trailer ako. Sarili kong trailer. Pasok ako, umiyak ako. May TV, may couch, may banyo, may microwave. Sabi ko sa Philippines, monoblock (chair) lang ang upuan pag di ka nagdala ng taping chair,” tumawang kuwento ng aktor.
Ito ‘yung nabanggit minsan ng ama ni Inigo na si Piolo Pascual na dinaig siya ng anak niya dahil sa tagal niya sa showbiz industry ay hindi pa siya nakaranas na magkaroon ng sariling trailer sa shooting. Sinuman ang gustong makaranas nito ay bibili ka for personal use.
Ang isa pang pagkakaiba pagdating sa mga delikadong eksena base sa kuwento pa ng binata, “grabe ‘yung experience saka alaga ng production kasi merong eksena ro’n na magse-seizure ako tapos babagsak ako sa sahig.
“Bago mag-shoot ‘yun, meron silang stunt choreographer na nandoon sa set and trinain niya ako two hours before the scene tapos paulit-ulit akong bumabagsak sa sahig para lang mag-land ng maayos at naglagay ng paddings.”
Pati ang intimate scenes ni Inigo at ng girlfriend niya sa show ay tinanong kung kumportable nilang gawin ito at kung ano ang gusto nila, kung dadayain ba o totoong kiss ang gagawin.
“Ang daming (staff), parang there’s a specific person for specific job, dialect coach din kasi (dapat) may accent ako, so one week kaming nagso-zoom para basahin ‘yung lines and sa mismong set nakabantay siya para kung may mali akong nasabi, babaguhin.
May voice lessons, may guitar lessons, so, alagang-alaga ka talaga at hindi ka matatakot sumalang sa harap ng kamera,”paglalarawan ni Inigo sa experience niya sa pakikipag trabaho sa production team ng Monarch series.
Samantala, hindi naman itinanggi ni Inigo na ngayong nasimulan na niya ang international projects ay nag-auditions na rin siya kung anong available roon at hoping siya na makapasok o matanggap.
Aniya, “My life goal is to have more projects in Hollywood at sana magawa ko ang pangarap ko na magkaroon ng Grammy and to be able to share my music in the States.”
Mapapanood ang Monarch sa Fox series simula sa Setyembre 11 at mapapanood din dito sa Pilipinas through iWantTFC ngayong Setyembre 13 after 48 hours pagkatapos maipalabas sa Amerika.
Mapapaood din ito sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN na may exclusive linear TV rights para ipalabas ang serye sa Pilipinas.
“I’m very grateful and excited dahil siguradong mapapanood ng mga Pilipino. I’ve been worrying about how it would be streamed in the Philippines, so I’m grateful for iWantTFC dahil nakagawa sila ng paraan,” saad pa.
Ang Monarch ay isang family drama tungkol sa pamilya ng mga Roman, ang tinaguriang “irst family of music na tinitingala ng mga tao. Nakabuo na sila ng sarili nilang dinastiya sa industriya ng country music ngunit mayroon silang mga masalimuot na sikreto.
Related Chika:
Inigo Pascual ibinandera ang ‘malaya’ tattoo
Birthday wish ni Inigo tinupad agad ng Hollywood actress; nag-celebrate sa set ng ‘Monarch’
Inigo Pascual natupad na ang pangarap na magkaroon ng farm, bumili pa ng mga kabayo, baboy at baka