JESSY pag-aagawan nina JAKE at JASON sa MARIA MERCEDES | Bandera

JESSY pag-aagawan nina JAKE at JASON sa MARIA MERCEDES

Ervin Santiago - September 28, 2013 - 03:00 AM

MATITIKMAN na ang tamis at pait ng buhay at pag-ibig ng isang karakter na minahal ng maraming Pilipino – si Maria Mercedes,  simula sa Lunes sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Gagampanan ng isa sa pinakamagandang mukha sa telebisyon ngayon at pinakabagong primetime princess ng na si Jessy Mendiola ang napakabigat na papel bilang si Maria Mercedes na unang binigyang-buhay ng Mexican superstar na si Thalia.

Makakatambal niya rito si Jake Cuenca bilang si Luis at si Jason Abalos bilang Clavio. “Tiyak muli kayong mapapangiti, mapapaiyak, at mapapaibig ni Mercedes sa kanyang makulay na kwento,” pahayag ni Jessy.

“Mas tatagos pa ito lalo sa puso ng mga Pinoy dahil binigyang diin talaga namin sa istorya ang mga pagpapahalaga nating mga Pilipino lalo na sa pamilya.”

Sundan ang kwento ni Mercedes at kung paano niya haharapin ang hamon ng buhay at unang pag-ibig. Mula sa kanilang simpleng pamumuhay sa probinsya, luluwas si Mercedes kasama ang kanyang ama’t mga kapatid patungong Maynila para makalimot sa sakit na idinulot ng kanilang ina.

Maagang papanaw ang kaniyang ama kaya naman maaga ring iaatang sa balikat ni Mercedes ang responsibilidad na alagaan ang kanyang mga kapatid.

Ngunit magbabago ang kanyang mundo sa pagtibok ng kanyang puso sa mayamang si Luis.  Anong mga hamon ang haharapin ni Mercedes sa kanyang unang pag-ibig? Sino ang mga hahadlang sa kanilang pag-iibigan?

Paano mayayanig ang kaniyang mundo sa pagdating ni Santiago (Ariel Rivera), ang lalaking maaring tuluyang mag-ahon sa kanya sa kahirapan?

Kasama rin sa cast ng Maria Mercedes sina Vina Morales, Dominic Ochoa, Nikki Gil, Vivian Velez, Nadia Montenegro, Atoy Co, Erika Padilla, Marx Topacio, Alex Castro at Isabelle de Leon. Ito ay sa direksyon ni Chito S. Rono.

Huwag palalampasin ang Maria Mercedes simula Oct. 7 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending