Gustong magtrabaho sa gobyerno | Bandera

Gustong magtrabaho sa gobyerno

Lisa Soriano - September 28, 2013 - 03:00 AM

AKO po si Merly Diaz at kasalukuyan po na nagtatrabaho ng part time sa isang construction company sa San Jose del Monte. Sa ngayon po ay patuloy pa rin akong naghahanap ng trabaho at nagbabakasakali na matanggap lalo na po sa gobyerno dahil civil service eligible naman po ako. Sinubukan ko po na mag-aplay sa SSS pero ang sabi ay tatawagan na lang daw ako. Sinubukan ko rin po na mag-aplay sa DOLE sa kanilang main office sa Intramuros, Manila pero bakit po hinahanapan ako ng certification from Occupational safety office.

Sabi ng DOLE isa daw po eto sa kanilang requirements. Gusto ko po na itanong kung paano po ako matutulungan ng Aksyon Line dito at mayroon po bang umiiral na ganitong patakaran?
Gumagalang
Merly

REPY: Dear Merly,

Kung kayo po ay nag-apply bilang Labor laws Compliance Officer (LLCO), isa po sa mga requirements ay ang pagkakaroon ng Certificate of Completion para sa basic Occupational Safety and Health Training Course. Ito po ay isa sa mga mandatory, 40-hour courses na required para sa mga gustong maging safety officer at accredited safety practioner. Parte po kasi ng trabaho ng isang LLCO ay magsagawa ng safety and health audits sa mga kumpnaya, magbigay ng mga rekomendasyon at tulungan ang mga kumpanya na makasunod sa Occupational Safety and Health Standards.

Kung nais n’yo pong kumuha ng kursong ito, maari po kayong makipag-ugnayan sa aming tanggapan sa Tel. No. 924-2414. Ang kurso pong ito ay nagkakahalaga ng P3,500.
Maaari din po nin-yong kunin ang kursong ito on-line sa pamamagitan ng e-BOSH. Bumisita po kayo sa aming website: oshc.dole.gov.ph

Diana Joy G. Romero

Information Officer III
Occupational Safety and Health Center

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending