Samantha Bernardo kumasa sa ‘No Filter Challenge’: This is my reality

Samantha Bernardo kumasa sa 'No Filter Challenge': This is my reality

ISA si Miss Grand International 2020 first runner-up at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Samantha Bernardo sa mga personalidad na gumawa ng “No Filter Challenge”.

Sa kanyang Instagram reels na ibinahagi niya noong Agosto 24 ay proud na ibinandera ng beauty queen ang kanyang bare face kung saan kita ang kanyang pimple marks at freckles.

“I use to conceal my freckles and pimple marks because it was deemed not beautiful and a flaw,” saad ni Samantha.

Hinimok rin ng beauty queen ang madlang pipol at kanyang mga followers na huwag matakot na magpakatotoo at ipakita ang kanilang ganda.

“In a world where LIKES seems like currency and FILTER seems normal, let’s make it a trend to show our real selves as much as possible,” pagpapatuloy ni Samantha.

Giit pa niya, “Behind every Instagram worthy photos, THIS IS ME and THIS IS MY REALITY.”

Marami naman sa mga netizens ang na-inspire sa ibinahaging IG reels ni Samantha.

Bukod rito ay mas tumaas rin ang tingin sa kanya ng mga tagasuporta dahil hindi biro ang pamantayan ng kaganda lalo na sa industriyang kinabibilangan ng dalaga.

“Who said freckles are nit beautiful? Ako nga naiinggit ako sa mga may freckles eh. But I believe each and every person no matter what skin texture and coloud they have, they are beautiful in their own way,” comment ng isang netizen.

Saad pa ng isa, “I salute you for your courage in showing your flaws to the public. You will surely serve as a good inspiration to all the young girls to love themselves.”

“Those freckles looks good on you Miss Ma’am, beautiful inside and out. You’re the prettiest when bare faced atleast for me, Samantha Bernardo,” sey naman ng isa.

May mga nagpasalamat rin kay Samantha dahil may mga netizen na nagkomento na lately ay insecure sila sa kanilang mukha dahil sa mga acne or dark spots ngunit gumaan ang loob nang malamang hindi sila nag-iiisa at kahit mga beauty queen ay nararanasan ito.

Related Chika:
Samantha Bernardo sa mga haters: I’m not fake, I’m human…I have feelings

Samantha Bernardo hinang-hina matapos tamaan ng COVID-19: I promise that I will take care of myself…

Samantha Bernardo ‘simply grand’ sa Miss Grand International

John balik ‘It’s Showtime’ na sa Oktubre; Samantha Bernardo sasalang sa ‘Sing Galing’

Read more...