SUPER happy at super proud ang Kapamilya actress na si Dimples Romana sa first solo flight ng kanyang panganay na anak na si Callie.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya isang video kung saan makikita ang successful na pagpapalipad ng aircraft ng anak.
“I’m not crying, YOU ARE @papaboyetonline.
To say I’m a proud momma is a total understatement for today’s family milestone as our dear student pilot Christiana Amanda Lauren Romana-Ahmee just flew the plane ON HER OWN for the first time today!!!” pagbabahagi ni Dimples.
Lubos ang pagkabilib ng aktres sa kanyang panganay na anak na nag-aaral ngayon sa Australia.
“What a ROCKSTAR you are Callie!!!! Such a joy seeing you come into your own. we’re all here for you kid! Fly high!!!” puri pa ni Dimples kay Callie.
Dagdag pa niya, “Thank God for children who value family, hard work, dreams and taking lots and lots of leaps of faith! Sometimes I wonder what dad and I ever do right to deserve such a gem like you.”
Aniya, sana raw ay mas marami pang ma-inspire ang anak na patuloy na magpursige para sa kanilang mga pangarap.
“Keep inspiring the youth and young women like you to never stop pursuing their dreams and staying true to who they are, no matter what!!! true queen my baby girl!!!” sey ni Dimples.
Umulan naman ng pagbati sa comment section mula sa mga followers at kaibigan ng aktres.
“Wow! Galing ni Callie! Congrats Dimples and Boyet!” comment ni Jhong Hilario.
Saad naman ni Papa Boyet sa milestone ng anak, “I AM CRYING!!! I don’t care.”
Hirit naman ni Paula Peralejo-Fernandez, “Grabe ka Callie!!!!! Super galing! Amazing family. Love you guys!”
Matatandaang nitong nakaraang buwan ay lumipad pa-Australia si Dimples para personal na masaksihan ang first flying session ni Callie na kasalukuyang nag-aaral ng Aviation Management.
Related Chika:
Dimples Romana proud na ibinandera ang achievement ng anak
Kris na-high blood kaya hindi natuloy ang paglipad pa-Amerika, may hiling kay Angel