MAGKAROON kaya ng katuparan ang request ni Megastar Sharon Cuneta sa bida at isa sa mga direktor ng “Ang Probinsiyano” na si Coco Martin?
Ilang araw na rin buhat nang magtapos ang longest-running aksyonserye ng Kapamilya network ngunit hanggang ngayon ay napag-uusapan pa rin ito.
Sa katunayan, nag-post si Sharon sa kanyang Instagram account ng larawan nila nina Rowell Santiago at Julia Montes, family picture ng Hidalgo Family.
Matatandaang gumanap si Ate Shawie bilang si Aurora, asawa ni Rowell na gumanap bilang si President Oscar Hidalgo, at ina ni Julia na gumanap naman bilang si Mara.
Saad ni Sharon, “Hidalgo family. Tinext ko ang anak kong boss namin na si @cocomartin_ph kahapon. Sabi ko gawa kami special episode kasi bitin loveteam nila ni Mara at pagkikita ng pamilya nila Oscar, Aurora at Mara!”
Pero natawa lang raw si Coco sa sinabi niya.
Pag-amin pa ni Sharon, maski siya ay nabitin rin sa naunsyaming pag-iibigan nina Cardo at Mara.
“Coco anak, basahin mo comments sabi sayo bitin sila eh!” dagdag pa niya.
At nang makichika nga kami sa comment section ay marami rin talaga sa mga netizens ang nabitin sa love story nina Mara at Cardo maging kina Aurora at Oscar.
“Yessss please!!! Would love see that!!! O kaya alternate ending yung buhay ang Task Force Agila!” comment ng isang netizen sa post ni Sharon.
Chika naman ng isa, “Hindi rin na-explain kung paano nabuhay si Mara, maganda mapakita na nag-reunite na si Mara sa parents niya na sina Oscar at Aurora, sana nga may Book 2 Ang Probinsyano.”
“Yes pls kahit 1 season lang po. Mabigyan man lang ng buo at mapagmahal na family si Mara,” sey naman ng isa.
May ilan naman na nagsa-suggest na magkaroon na lamang ng movie o sitcom kung saan bibida sila Sharon, Rowell, Coco, at Julia.
“Much better po siguro if movie lang then ka-love triangle nyo ni Oscar yung presidente sa kabila. Charot,” mungkahi ng isa.
Dagdag naman ng isa, “Madam gawa kayo sitcom yung comedy drama tapos medyo suspense para di po bitin para mapanood po kayo araw-araw.”
Related Chika:
John Arcilla, Rowell Santiago may ibinuking tungkol kay Coco; ‘kayamanan’ kung ituring ang ‘Probinsyano’
Sharon gaganap nga ba bilang ina ni Mara sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?