Kahalagahan ni Nonoy Neri sa training ni Pacquiao | Bandera

Kahalagahan ni Nonoy Neri sa training ni Pacquiao

Manny Pacquiao - September 27, 2013 - 02:23 PM

GENERAL SANTOS CITY — Maayong adlaw sa inyong tanan! Panalangin ko ay nawa lahat kayo ay nasa mabuting kalagayan habang binabasa ninyo ang kolum na ito saan man kayo naroroon sa mundo.

Dalawang buwan na lang ang nalalabi para paghandaan ko ng puspusan ang aking laban sa Nov. 23 (Nov. 24 Philippine time). Sigurado akong naghahanda na rin ng todo ang aking kalaban na si Brandon Rios kaya ganado ako sa paghahanda para makabawi sa labang ito.

Habang wala pa sa Pilipinas si coach Freddie Roach upang pamunuan ang aking training camp sa General Santos City, ang aking Pinoy team ang umaalalay sa aking conditioning.

Si Roach, na siyang nagte-training sa isang kaibigan at dating katunggali na si Miguel Cotto, ay darating pagkatapos ang laban ni Cotto sa Oct. 5.

Nabanggit ko noon na sina Buboy Fernandez at Nonoy Neri ang dalawa sa mga inaasahan ko sa training. Nasimulan ko nang ikuwento ang samahan at sakripisyo namin ni Buboy simula pa noon.

Ngayon naman, si Raides “Nonoy” Neri naman ang aking ipakikilala sa inyo. Matagal ko nang kasama at kaibigan si Nonoy at isa siya sa mga pinagkakatiwalaan kong mga ‘heneral’ ng aking team.

Simula pa noong late 1990s, nagkasama na kami ni Nonoy sa boksing. Ngayon, kasama siya sa “pamilya” na aking itinuturing at kahit na iyong kapatid niya ay kasama ko rin araw-araw.

Flyweight pa lang ako ay subok ko na ang kakayahan ni Nonoy. Sa pagdaan ng panahon, naging dalubhasa na rin si Nonoy sa pag-training at conditioning ng mga boxers.

Tubong-Davao si Nonoy at magaling ding magluto at siya ang umaasikaso sa nutrisyon ng aking katawan habang nasa training.
Si Nonoy ang nag-uutos sa team kung ano ang aking kakainin sa pang-araw-araw at isa ito sa mga mahahalagang bagay na susi sa aking tagumpay.

Masasarap na pagkaing Pinoy ang niluluto ni Nonoy at kabisado na niya ang aking panlasa. Kung hindi sa kanya, madaling babagsak ang aking katawan dahil kinakailangan ko ang maraming bitamina at mineral upang matugunan ang aking pangangailangan sa training.

Bukod dito, alam at kabisado na naman ni Nonoy ang trabaho ni Alex Ariza, na hindi na kasama sa team sa pagkakataong ito. Si Ariza ang dati kong conditioning coach at sa ngayon, wala naman akong pangangailangan na hindi natutugunan ni Nonoy.

Sa ngayon, ang mga makabagong training techniques ang ginagamit namin sa paghahanda, kasama na rin ang swimming, sprinting at plyometrics.

Nalulugod akong ipamalita sa inyo na masaya kami sa training at sana maging matagumpay ang lahat sa paghahanda para sa laban.

Sa darating na buwan, darating pa ang ibang miyembro ng aking team tulad ni Marvin Somodio upang makumpleto ang makabagong Team Pacquiao.

Mahalaga ang pagkakaisa at ang isang masayang training camp dahil hindi biro ang training. Naniniwala akong makakabalik ako sa rurok ng tagumpay matapos ang pagkalugmok natin noong isang taon sa tulong na rin ng Poong Maykapal.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. May Almighty God Bless Us All.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Editor: Kung may nais kayong iparating kay Manny Pacquiao, i-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 0999-9858606 o 0927-7613906.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending