HALATANG okay na okay naman ang relasyon sa pagitan ng dating aktres na si Michelle Madrigal at dati nitong asawang si Troy Woolfolk.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan niya kasama ang hindi niya pinangalanang lalaki habang nag-e-enjoy sila sa Canyon Cave, Texas.
“Him,” maikling caption ni Michelle sa kanyang post.
Makikita namang nag-comment ang dati niyang asawa sa kanyang post.
“Cute couple,” saad ni Troy.
Matatandaang noong August 2021 nang aminin nina Michelle at Troy ang kanilang paghihiwalay lalo na at marami na rin ang nagtatanong at nakakapansin na tila nagkakalabuan na sila.
“Here it is… Y’all have been asking us for awhile now…We didn’t have to but we’ve shared our lives with y’all in the past so here we are today,” saad ng dating aktres.
“@twoolf29 and I have been separated and are going through divorce. Of course, we have remained friends and co-parents to our beautiful daughter Anika. We only wanted to share this to be transparent due to the amount of DM’s and comments we get from y’all,” pagpapatuloy pa ni Michelle.
At makalipas nga ng apat na buwan matapos ang kanilang divorce ay bukas na itong muli sa pakikipag-date.
Sa YouTube vlog na inilabas ni Michelle nitong Lunes, August 20 ay sinagot niya ang ilang katanungan mula sa kanyang followers at kabilang na nga dito ang kanyang pakikipag-date.
“I was just trying to see what dating feels like again because you don’t know what you’re doing after being married and becoming a parent,” saad niya.
Nabanggit rin ni Michelle na may pagkakatulad sila ng sitwasyon ng lalaking kanyang dine-date dahil isa rin itong divorced parent.
“I think it was just a good match in my lifestyle and his lifestyle,” sey pa niya.
Related Chika:
Michelle Madrigal sa pagbabati nila ng ina makalipas ang ilang taon: Time heals all wounds talaga
‘Kilikili kiss’ ni McCoy kay Elisse pampaswerte sa pagpasok ng 2022
Michelle Madrigal nilinaw ang rason ng pakikipaghiwalay sa asawa: There’s no third party