TINULDUKAN na ni Ice Seguerra ang plano nila ng kanyang wifey na si former Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino na magkaroon ng anak dahil kulang sila sa funds.
Nakausap si Ice nina Romel Chika at Von Belinario na humalili muna kay Nanay Cristy Fermin para sa programang “Cristy Ferminute” nitong Martes, Agosto 23.
Matatandaang hindi natutuloy ang balak nilang magka-baby noong kasalukuyang hepe ng FDCP si Ms. Liza dahil sobrang busy kaya sabi niya, kapag okay na at maluwag na ang schedule ay itutuloy na nila ito lalo’t hindi na siya bumabata.
Pero ngayon ay nagbago na ang ihip ng hangin dahil ayon kay Ice, “Baka hindi na po ulit kasi sa ngayon hindi nga siya busy pero funds naman ang kulang sa amin. Ha-hahaha!
“Unfortunately sa sitwasyon natin hindi puwedeng malasing lang kami. Ha-hahaha! Kailangan namin ng anda (pera) para mabuntis ang isa, so, medyo kulang sa ngayon and isa pa rin is medyo weird dito sa Philippines, they’re not doing it here.
“It’s not even against the law just because it’s unethical, for me it’s very sad.
“One time, we inquired in Malaysia and alam naman natin na it’s a Muslim country but nagulat kami kasi in Malaysia they’re actually allowed.
“They’re actually allowing LGBTQ couples to do IVF (in vitro fertilization). Ang tanging bawal lang doon ay bawal kang kumuha ng Muslim man to be your donor. That’s the only thing that is not allowed,” sabi ni Ice.
Ikinumpara pa niya ang Malaysia na isang Muslim country sa Pilipinas na open na ngayon sa LGBTQ relationships pero hindi pa rin open sa ganitong procedures kaya ‘yung may mga ganitong kaso ay sa ibang bansa isinasagawa.
“Isa pa rin ‘yun (dahilan) kaya we have to go somewhere else to do it. Nag-pandemic di ba, so, we cannot leave, magastos. Ngayon palang bumabalik ‘yung work natin, di ba? Kaya wala talaga, walang time, walang (funds),” diin ng better half ni Liza.
Samantala, binati naman nina Romel at Von si Ice sa success ng “Drag Race Philippines: Untucked” bilang direktor.
Ayon kay Ice sa pagkakatanda niya ay hindi niya pinangarap maging artista at mang-aawit pero ang pagiging direktor ay matagal na niyang dream kaya naman labis ang kasiyahan niya nang mabigyan siya ng oportunidad na gawin ito.
Related Chika:
Pokwang ipinagtanggol ng netizen sa spelling ng ‘iodine’: Ayun naman pala!
Liza Dino gustong gumawa ng pelikula tungkol sa trans family: Ano ba yung pinagdaraanan namin?
Ice Seguerra ‘binantaan’ ni Sylvia Sanchez: May araw ka rin! Tandaan mo, gagantihan kita!