Aicelle Santos humingi ng dasal para sa inang kritikal ang lagay

Aicelle Santos humingi ng dasal para sa inang kritikal ang lagay

NANAWAGAN ang Kapuso singer na si Aicelle Santos na sana ay isama ng madlang pipol sa kanilang mga panalagin ang kanyang ina.

Sa kanyang Instagram post kahapon, Agosto 23, ibinahagi niya ang larawan ng mga aparato sa ospital.

“Hiling po ako sa inyo ng panalangin para sa aming mommy who’s in critical condition right now. Her name is Leonila Santos,” saad ni Aicelle.

Dagdag pa niya, “Panginoon, dugtungan niyo pa po ang buhay ni mommy. Isang pagkakataon pa po Lord.”

Wala nang iba pang detalye na binanggit si Aicelle patungkol sa naging sakit ng kanyang ina.

Nagpaabot naman ng mensahe at dasal ang ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz pati na rin ng kanyang tagasuporta.

“Will pray for Mommy Te Aicelle… Mommy Leonila will be healed, in Jesus name, Amen,” saad ni Boobay.

Comment naman ni Kyla, “Praying with you.”

“May God bless your mom with the gift of healing,” sey ng isa sa kanyang tagasuporta.

Dagdag pa ng isa, “Sending prayers for healing to Tita Onnie.”

Isang Instagram story rin mula sa kanyang kapatid ang ni-repost ni Aicelle.

“Lord God, I trust in you. This is by far the most difficult time my family and I have been through. You’ve always been with us and I know you are still as always. Please provide the healing and miracle for our mom,” ayon sa kanyang reposted story.

Dagdag pa ni Aicelle, “To our family and friends, please include my mom in your prayers. At this moment, we need prayer warriors with us. Thank you!”

 

Related Chika:
Aicelle sa mga insensitive na mister: Wag ganu’n kasi ang hirap talaga ng pinagdaraanan ng mga mommy

Aicelle: Manicure, pedicure, derma…I don’t know them anymore, kasi tutok ako kay baby!

Aicelle nangungulila sa 93old na lola; Boobay, Tekla wagi sa Best Choice Awards

Read more...