Andrea Torres bet magpatayo ng foundation para sa mga may down syndrome, autism

Andrea Torres bet magpatayo ng foundation para sa mga may down syndrome, autism

EMOSYONAL ang Kapuso actress na si Andrea Torres nang ibahagi niya ang kwento tungkol sa kanyang nakababatang kapatid na na-diagnose ng down syndrome with mild autism.

Pagkukwento niya, hindi naman daw inilihim ng kanilang mga magulang ang kondisyon ng kapatid kahit noong bata pa ito.

“Nung lumalaki siya, maraming questions: bakit hindi pa siya nakakapagsalita, bakit hindi siya makalakad pa,” saad ni Andrea.

Aniya, ang kapatid rin na si Kenneth ang nagong dahilan ng kanyang matinding pananampalatay sa Panginoon.

Through him, parang naging solid ‘yung faith namin kasi ang daming miracle sobra,” pgpapatuloy ni Andrea.

Nang ibahagi niya ang kwento ukol sa naging sunod sunod na operasyon ni Kenneth nang ma-diagnose ito sa kanyang sakit ay hindi nito naiwasang maiyak.

“Sinabihan na kami na two weeks na lang daw. Syempre kami alam naman naming na hindi mahaba ang lifespan nila pero ‘di ka naman magiging ready ‘di ba?” sey ni Andrea.

Ngunit sa kabila ng mga operasyon ay tila nagmilagro ang Diyos at bigla na lang bumuti ang kalagayan ng kanyang kapatid at ikinansela na nga ang iba pang operasyon sana ni Kenneth.

“Ngayon, he’s with us. Under maintenance siya ng mga gamot pero happy, healthy at strong [ang kapatid ko],” dagdag pa ni Andrea.

Chika rin niya, ang kapatid ang dahilan kung bakit todo kayod siya ag kung bakit nagpupursige siya sa showbiz.

“Gusto ko magka-movies. Gusto ko magka-endorsements. Gusto ko magkaroon ng foundation especially doon sa kapatid ko. Gusto kong buhayin ang awareness ng tao sa Down syndrome,” pagbabahagi ni Andrea.

Pag-amin niya, apektado siya sa tuwing may mga nagbibiro patungkol sa sitwasyon ng kapatid at ng iba pang katulad ni Kenneth.

“Hindi ako confrontational na tao pero meron pa ring nagjo-joke about them. Minsan may nakakahalubilo ako, ginagaya nila. Siguro hindi nila alam na may kapatid akong ganu’n,” pahayag ni Andrea.

Pagpapatuloy niya, “Minsan syempre ‘pag nilalabas mo nila minsan may nai-iritate pa rin na parang minsan na lang siya makalabas hindi naman niya alam ang ginagawa niya. ‘Di naman siya aware.”

Bukod sa pagkakaroon ng awareness ukol sa kalagayan ni Kenneth at ng iba pang tao na katulad niya, isa pa sa mga kahilingan ni Andrea para sa kanyang kapatid ay ang mamuhay ito mang malaya sa diskriminasyon ng mga tao.

Related Chika:
Anak nina Aubrey at Troy may ASD: At first we were confused and questioned ourselves, how and why?

Andrea Torres hindi reresbak kahit agawan ng dyowa; nagluluksa sa pagkamatay ni ‘Andeng’

True ba, Derek Ramsay, Andrea Torres hiwalay na?

Read more...