Ruffa Gutierrez naka-graduate na sa college: ‘Upgrade your conviction to match your destiny’

Ruffa Gutierrez

PINATUNAYAN ng aktres at Viva Artist Agency talent na si Ruffa Gutierrez na kering-keri pa rin niyang makamit ang isa sa kanyang mga pangarap kahit na nga may mga anak na siya.

Proud na ibinandera ni Ruffa sa madlang pipol na finally ay nakatapos na rin siya sa kolehiyo with a Communication Arts degree sa Philippine Women’s University (PWU).

Ibinahagi ng dating beauty queen ang kanyang graduation photo sa kanyang Instagram followers kalakip ang kanyang mensahe para sa lahat ng mga nanay na nangangarap ding maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at makakuha ng college diploma.

Nagtapos si Ruffa sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).

“Don’t downgrade your dream just to fit your reality. Upgrade your conviction to match your destiny,” ang simulang pagbabahagi ng rumored girlfriend ni Herbert Bautista.

Bukod dito, ibinalita rin ng 48-year-old actress na nag-enroll na rin siya bilang graduate student sa Masters in Communication Arts program ng nasabing unibersidad.


Pagpapatuloy ni Ruffa, “I humbly want to share that I have graduated with a bachelor’s degree in Communication Arts from the Philippine Women’s University under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).

“I am now gearing up for PWU’s 99th Commencement Exercises at the Philippine International Convention Center (PICC) next week,” lahad pa ng anak nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.

“I would not have been able to successfully embark on my educational journey without the continuous guidance of PWU‘s ETEEAP team of professionals and the immeasurable support of my loved ones.

“Because of my enduring commitment to continuously seeking knowledge and equipping myself with new skills that will help me prosper and fulfill my dreams in the ever-changing global scene, I also proudly share with you that I am officially an MA-ComArts student at PWU.

“The journey continues — unstoppable!

“To God be the glory!” ang kabuuang mensahe ng aktres.

Kung matatandaan, taong 2021 nang ibandera ni Ruffa na muli siyang bumalik sa pag-aaral makalipas ang 34 years para sa katuparan ng matagal na niyang pangarap — ang makapagtapos sa kolehiyo.

https://bandera.inquirer.net/308187/ruffa-umamin-na-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-herbert-1-sa-puso-ko
https://bandera.inquirer.net/321710/ruffa-super-iwas-pa-rin-sa-usaping-bistek-at-lovelife-my-god-para-naman-tayong-teenagers-nandiyan-lang-yan
https://bandera.inquirer.net/308125/alexa-ilacad-naka-graduate-na-sa-college-still-my-greatest-achievement

Read more...