James Reid spotted kasama si Nancy McDonie, may something nga ba?

James Reid spotted kasama si Nancy McDonie, may something nga ba?
MULING nakitang magkasama ang singer-actor na si James Reid at si Nancy McDonie, miyembro ng Korean girl group na Momoland.

Isang netizen ang nakakita sa dalawa na magkasamang naglalakad sa Los Angeles.

“Okay my friend saw J and Tita Nancy not binay in LA. They were walking closely and J is holding her waist while walking,” saad ng netizen.

Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang naturang post post ng netizen patungkol kina James at Nancy. Ang iba ay masaya samantalang ang iba naman ay malingkot lalo na ang mga fans ng love team nila ni Nadine Lustre.

“kunwaring fell out of love. The truth, c JR pla Ang may Mali sa relationship nila ni Nadine. Pa victim. Good thing, nasa Tamang tao na c Nadine,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Nadine’s heart is pure. Imagine keeping quiet all this time. May the man she is with now protect her heart always…”

Pagtatanggol naman ng isa, “Nadine is already happy na, deserve din ni James maging happy.”

Bagamat wala namang sinasabi ang dalawa hinggil sa kung anuman ang tunay nilang relasyon ay marami ang naghihinala na may something ang dalawa.

Taong 2019 nang unang magkasama sina James at Nancy dahil supposedly magtatambal silang dalawa sa Kapamilya series na “Soulmate” ngunit hindi na ito natuloy.

May mga chika na tila dating ang dalawa nang makita silang magkasama sa Los Angeles nitong March 2022.

Makikita rin si Nancy sa music video ni Jamee na “Hello” kung saan present rin ang ex-girlfriend na si Nadine Lustre.

Related Chika:
James Reid spotted kasama si Nancy McDonie ng Momoland sa US, may ‘something’ na nga ba?

‘Kissing video’ ni James sa kapwa lalaki viral na, mga kaibigan umalma sa balitang ‘magdyowa’: Fake news yarn!

Reunion movie nina James Reid at Nadine Lustre imposibleng mangyari ngayong 2022

Read more...