NAG-REACT ang “Maid in Malacañang” director na si Darryl Yap ukol sa balak na pelikula ng award-winning director na si Joel Lamangan.
Ayon kasi noon sa batikang direktor ay balak nitong gumawa ng pelikula na tatapat o sasalungat sa naging pelikula nito noong campaign launch ng ML50.
Ibinahagi nga ni Darryl ang isang artcard kung saan na-quote si Direk Joel ukol sa plano niyang gawing pelikula laban sa “Maid in Malacañang”.
“Lamangan film is out in Sept. Parang the last 72 hours din pero sa punto de vista ng isa g ordinaryong pamilya bago umalis ang mga Marcos,” saad ni Direk Joel.
Hindi naman napigilan ni Darryl ang makaramdam ng kilig matapos niyang malaman ang sinabi ng direktor.
“Ultimate Kilig. Dati yung mga gawa ni Direk Joel ang nagbibigay-inspirasyon sa akin,” saad niya.
Dagdag pa ni Darryl, “Ngayon, naka-pattern pala sa gawa ko ang gagawin nila. Goodluck po.”
Bukod sa reaksyon sa upcoming movie ni Direk Joel kontra sa “Maid in Malacañang”, tila may sagot rin ang VinCentiments director sa mga naging paratang laban sa kanya ng mga netizens.
Tila sinasabi ni Darryl na sariling sikap ang ginawa niya para marating kung nasaan man siya ngayon.
“Hindi galing sa Filmschool. Hindi bahagi ng isang Showbiz Clan.Hindi nakipagkant**** sa may posisyon,” umpisa niya.
Pagpapatuloy pa niya, hindi rin daw siya gumamit ng kasikatan ng mga artista o sumipsip sa boss.
Dagdag pa niya, “Hindi nanlilimos ng pagkilala. Hindi nanghahahamak ng katrabaho. Hindi nagmamagaling at Hindi Naiinggit. Sorry, pero Hindi.”
Related Chika:
Joel Lamangan balak gumawa ng pelikula kontra ‘Maid in Malacañang’: Hindi totoo ang lahat ng ito
Darryl Yap kay Joel Lamangan: Sino ba ako kumpara sa kanya?
Joel Lamangan nagpakatotoo: Maraming direktor na bago pa lang ay mayayabang na…huwag ganyan