Kiray: Happy 32tooth...este 32nd Stephan Estopia! Chos! I love you very, very much! | Bandera

Kiray: Happy 32tooth…este 32nd Stephan Estopia! Chos! I love you very, very much!

Ervin Santiago |August 16,2022
facebook
share this

Kiray: Happy 32tooth…este 32nd Stephan Estopia! Chos! I love you very, very much!

Ervin Santiago - August 16, 2022 - 08:21 AM

Kiray Celis at Stephan Estopia

PARA sa Kapuso comedienne at vlogger na si Kiray Celis, wala na siyang mahihiling pa sa pagkakaroon ng boyfriend tulad ni Stephan Estopia.

Ibinandera muli ng komedyana sa buong mundo sa pamamagitan ng social media ang kanyang abot-langit na pagmamahal sa kanyang partner.

Binati ni Kiray si Stephan sa kanilang 32nd month bilang magkarelasyon kalakip ang short but sweet message para sa  boyfriend.

Sa Instagram, nag-post ang 28-year-old comedienne ng litrato nila ni Stephan at nilagyan ng caption na, “Suporta, tiwala, pagmamahal, at pag-aalaga. Lahat na ‘yun na sa ‘yo. Wala na akong mahihiling pa.”

“Happy 32tooth.. Este 32nd @stephan.estopia! Chos! Hihihi! I love you very very much!” dagdag pa niyang pagbati sa kanyang pinakamamahal na dyowa.

Sa kanya namang Instagram stories, nagbahagi rin si Stephan ng couple photo nila ni Kiray na may nakasulat na, “Happy monthsary mommy @kiraycelis i love you very much!”

Mahigit dalawang taon nang magkarelasyon sina Kiray at Stephan at noon ngang December, 2021 ay nag-celebrate na sila ng kanilang second anniversary.Sa isang panayam, very proud na ibinandera ni Kiray ang mga qualities na nagustuhan niya kay Stephan.

“Super mabait siya. Sobrang marespeto, lalo na family-oriented ako, so sobrang nirerespeto niya ang magulang ko at ang mga kapatid ko. Kapag hindi puwede sa parents ko kahit gusto namin hindi namin gagawin or hindi namin pupuntahan. Ganu’n niya nirerespeto ang desisyon ng pamilya ko.

View this post on Instagram

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


“Mabait siya. Magalang. Napakalambing. Mas nauuna pa nga siyang umiiyak pag nag-aaway kami, eh. Ako yung moody, ako yung masama sa aming dalawa,” aniya pa.

Umaasa rin daw siya na sa kasalan na rin mauuwi ang kanilang pag-iibigan, “Kasi ako naman talaga yung type ng tao na, ‘di ba kahit naman yung first boyfriendko sinasabi ko naman sa inyo nayon na talaga yung gusto ko.

“Parang never naman tayong nag-dream na…gusto natin kung sino yung kasama natin sa buhay ay makasama na natin forever.

“Ayoko kasi ng paiba-iba. Ayokong naririnig yung sarili ko na, ‘Ex yan ni Kiray,’ alam mo yon, parang ang hirap kaya na mag-start ulit sa panibagong tao.

“Kikilalanin mo kung ano yung gusto niya, aalamin mo kung ano yung ayaw niya, tatanggapin mo kung sino siya, ang hirap. Parang bagong tao na naman, bagong pagsubok, kikilalanin ang pamilya, mga kaibigan.

“Ang hirap kaya ng ganu’n, parang from the scratch ka ulit. Parang kang baby na nagko-crawl, na natututo ulit maglakad, magsalita, parang ganun. Ayoko ng ganu’ng experience,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyang napapanood ang komedyana bilang si Raichu sa seryeng “Return To Paradise” mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime na pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Kiray kay Stephan: Magmahal tayo, sumugal tayo, bumangon tayo, magpatawad tayo…

Stephan kay Kiray: Gusto ko ikaw ang maging dulo at katapusan ko, mahal na mahal kita sobra, sobra, sobra!

Kiray tinawag na ‘best mommy’ ng dyowa: Habangbuhay kitang mamahalin asawa ko, mahal na mahal kita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending