PAREHONG mapapanood sa United Arab Emirates (UAE) ang dalawang controversial movies ngayong taon na “Katips” at “Maid in Malacañang”.
Una na itong inanunsyo ng Vivamax Middle East and Europe Facebook page at personal na lilipad sina Darryl Yap, Christine Reyes, at Sen. Imee Marcos sa Dubai, UAE sa darating na Agosto 19 para sa special screening ng pelikula.
Base sa artcard na ibinahagi ng FB page ay sold out na ang ticket para sa special screening ng pelikula ngunit sinisiguro nila na magbubukas pa sila ng mas maraming screening para mapanood ito ng iba pang nais manood.
Samantala, kumpirmado na ring mapapanood ng ating mga kababayang Pilipino ang pelikulang “Katips” sa Dubai.
Ayon mismo sa founder ng Emirates Film Festival na si Ron Awa ay mapapanood sa Vox Cinemas, City Centre Deira ang pelikula mula Agosto 26-28.
Mukhang maging sa showing sa ibang bansa ay magtatapat ang dalawang pelikula na parehas tumatalakay sa mga nangyari noong panahong ng Martial Law.
Ang “Maid in Malacañang” ay hango sa kwento ng huling tatlong araw ng mga Marcos sa loob ng palasyo bago sila tuluyang napatalsik ng taumbayan sa puwesto samantalang ang “Katips” ay tumatalakay sa istorya ng mga mamamayan habang ipinapatupad ang batas militar.
Samantala, pinag-sorry ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang isa sa mga cast ng pelikula ni Darryl Yap na si Ruffa Gutierrez sa madlang pipol habang nagtsi-chikahan sila sa Kapamilya noontime program na “It’s Showtime”.
Ito ay matapos magsabi ng aktres ng inappropriate word habang live na napapanood ang programa na siyang isa sa mga ipinagbabawal sa telebisyonz
May kinalaman ito sa tila alitan daw sa pagitan nila ng kapwa “Miss Q&A” hurado na si KaladKaren.
Nagbibiruan ang tatlo dahil tila pinagsasabong ng mga netizens sina Ruffa at KaladKaren gayong maayos ang samahan nila at magkaibigan sila in real life.
Dito ay napansin ni KaladKaren ang outfit ni Ruffa na kulay pink kaya naman napasabi ito ng “G*ga!”
Sinubukang ilusot ni Vice ang sinabi ng kaibigan at sinabing idol kasi nito si Lady Gaga ngunit aware naman ang madlang pipol na hindi iyon true.
Kaya naman sa huli ay sinabihan ni Meme si Ruffa sa madlang pipol na halatang takang-taka dahil hindi niya alam ang maling ginawa.
“Nag-aapologize po kami dun sa nabitawang word ni Ruffa Gutierrez, masyado lang siyang happy. Mag-sorry ka na rin Ruffa,” sey ni Vice.
Sey naman ng anak ni Annabelle, “Why? Bawal ba ‘yun? Oh I’m so sorry. I didn’t know. I’m so sorry.”
Sa huli ay pinatigil na rin ni Vice ang kanilang biruan at ipinagpatuloy na ang segment na “Miss Q&A”.
Related Chika:
Rowena Guanzon nanood ng ‘Katips’, sold out ang tiket sa unang araw ng showing
Darryl Yap pinayuhan si Ruffa: Kung d’yan siya masaya, wag natin basagin ang trip niya