MAMAYANG alas otso ng gabi na malalaman ang pagtatapos ng longest running action-series ng ABS-CBN, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” handog ng Dreamscape Entertainment na habang nasa ilang government establishments kami nitong mga nakaraang araw ay dinig na dinig namin na pinag-uusapan ang nalalapit na pagtatapos ng programa ni Coco Martin.
Dati hindi kagandahan ang mga naririnig naming komento na bakit hindi pa tapusin dahil ulit-ulit lang ang kuwento na halatang pinahahaba lang at kung anu-ano pa.
Aba’y nabago na ang kuwentuhan ngayon dahil may mga ayaw namang tapusin ito at kung magtatapos na ay sana may “Ang Probinsyano” part 2. Susme, pitong taon na sa ere, may part 2?
Anyway, marami talaga ang galit na galit sa karakter ni John Arcilla na si Renato Hipolito na buhay na buhay pa rin at bakit hindi pa mamatay.
Ngayong araw ay pinost ni John ang message sa kanya ng netizen na “Sarap mong patayin hayup ka pag nakita kita sa labas ako ng papatay sa ‘yo.”
Naka-automatic ang sagot ng aktor, “Thanks for messaging us. We’ll get back to you as soon as we can.”
Ang caption ni John dito ay, “Dumadami na naman fans ko at personal message pa. Pero nakaka bother din. Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang Personalan. “Sana naman joke-jokan lang ‘yan. Pagbantaan po ninyo si Hipolito huwag po ako. Kasi parang mejo hindi nakakatawa yon diba? (emojis peace).”
Message pa ng isa, “Sana mamatay ka na sa totoong buhay John Arcilla with Renato Buwitre Hipolito. Ipagdasal kita n asana mamatay ka na sa totoong buhay napaka-animal mo.”
Pareho rin ang sagot sa una nan aka-automatic.
Ang caption ni John, “ Sana Hindi ka Seryoso. Dahil kahit alam kong mas powerful ang faith ko bilang tao sa iyong intention, parang I need to post this to make other people aware na may mga audience na ganito na sana ay mapaliwanagan ng iba. Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang Personalan.
“Sana naman joke-jokan lang yan. Kung nagagalit kayo kay Hipolito, undersrandable pero kung sakin, parang I think kailangan natin i-review ang ating sense of reality. Ang moral lesson po dito ay dapat talaga walang WAR, dahil kung itong fiction lang ay nasasaktan tayong lahat lalo na sa totoong buhay. Sabi nga Walang nananalo sa giyera. Bawat kampo ay may kanya kanyang mga kapatid anak asawa at magulang.”
Payo naman ng modelong aktor at napasama rin sa serye bilang miyembro ng Black Ops na si @markmcmahon1, “And that’s why you got awarded as “best actor” on the global stage tito John, ignore them and keep going.”
Positibo naman ang mensahe ni @Mike Vincent, “Boss nasa labas ng kampo sila Dalisay.”
Say ni John, “Buti na lang may isang defector si Hipolito. labyu tsokaran (emojis emiling face).”
Cliff-hangger nitong Huwebes ng gabi kung sino ang susunod na mawawala sa miyembro ng Task Force AGuila bukod kay Shaina Magdayao bilang si Police Major Roxanne Opena. Duguan din ang kasintahan nitong si Raymart Santiago sa papel na Police Major Victor Basco.
Related Chika:
John Arcilla nag-ala Joshua Garcia, netizens aliw na aliw